Bulaga

14 Jan 2012 In: Pre idol

Nagulat ka ba? May update ano? Hindi ko na nga maalala na may blog akong May Dede Ako Pare.com. May pa-5 years na Wohooooo! Kakatuwa! 5 years na!

Wohooooooooooooooooo! May nadidinig ka ba? Oo tama. Wala.
Read the rest of this entry »

Next Month Maga-update Ako

30 Sep 2011 In: maydedeakopare.com

Biro lang. Nagupdate na ako. Hahaha! Muntik ko na ulit malimutan na meron pala akong blog na May dede ako pare. Kailangan ko na yatang uminom ng Sustagen Prime para hindi lumala ang memory gap ko. Epekto yata ito ng dental implants na binabasa ko ngayon. Hehehe! Ok sige next month ulit. Salamat sa pagbabasa ng blog ko. :)

Woooooow

1 Aug 2011 In: maydedeakopare.com

Bagong post! After 10 million years! May blog pala akong pinamagatang May dede ako pare! Nakakatuwa. Ngayon ko lang nabisita itong blog ko. Tagal na panahon. Wohoooooooo! Subukan ko iupdate ito nang madalas. Pangako.

Happy Valentine’s Day

13 Feb 2011 In: Lab Istori-Love Story

Maligayang araw ng mga puso.

Matagal na itong blog ko. Hehehe! Kakatuwa.

14 na bukas. Kung ako tatanungin mo, in-love ako. Hohohoho! Mukhang nakita ko na siya.

Dami na ding bagay ang nangyari.

Ito ako ngayon. Nangyari na yun ginusto kong mangyari. Makapag-aral ulit.

Madami akong ginustong baguhin. Ang sabi ko lang bigyan ako ng pagkakataon. Dumating ang pagkakataon. May mga bagay talagang hindi mo kayang baguhin kahit binigyan ka ulit ng pagkakataon.

Pero sa ngayon. Sana. Siya na. Bukas 14 na. Sana maging maayos ang lahat. Sana pareho kami ng nararamdaman sa isa’t isa.

Noon, may pinagdadasalan ako sa school. Madami ang pinagdasal ko doon na natupad. Tulad na lang itong pag-aaral ko. Pinagdasal ko doon. Kaya ako balik ng balik doon. At dahil sa lugar na din na iyon, nararamdaman ko ang kapayapaan. Ngayon alam mo ang isa sa pinagdadasal ko sa Kanya? Na sana itong babaeng minamahal ko ngayon, ay siya na sanang makasama ko sa habang buhay.

Ikukuwento ko na din. Na dati akong atheist. Na dati akong aktibista. Isinapuso ko ang pagsunod sa isang ideology. Tumalikod sa Diyos. Pero alam mo, wala namang masama kung maniniwala ka. Wala naman mawawala sa iyo. Mas mabuting maniwala ka sa meron kaysa maniwala kang wala.

O well, biglang bumigat ang direksyon ng post noh? Hehehe!

O siya siya!

Update after More than 1 Year

10 Jan 2011 In: Dentist-Dental-PDA

Wooooooo! 10 million years na sa wakas nagupdate ako! Harharhar! Actually busy lang ako magbrowse ng Dental Jobs at magbasa ng Dental News sa Dentistry website. At abala din ako nagaaral ng Prosthodontics. Kaya ito matagal akong hindi nakapagblog. Tagal na din pala ng blog ko. 2007 pa. Pero alam mo bang web developer / web master ako mula pa 1996? Hindi siyempre. At bago noon, magaling akong programmer.

Nakattend na din ako web awards. Naging editor ng web design zine. K10K ang nakaimpluwensya sa akin.

Pagalingan ng design noon. Ngayon pagalingan sa paglitaw sa google.

Nagbabago ang panahon. Sana hindi ka kabilang na mabago. Visit my blog often. Bwahaha! =)

Denture Updates

8 Nov 2009 In: Dentist-Dental-PDA

Nice title di ba? Update ko lang itong blog at medyo nilulumot na. Pag-usapan natin ang Dentures blog ng kaibigan ng pinsan ng kapitbahay ng labandera ng asawa ng tambay na lolo ng kaibigan ko. Dentures, sa filipino ay pustiso.

The end of everything is Denture. It is the center of the solar system, moving around it are the planets. Sa papalapit na pagtatapos ng buhay mahirap pigilan ang nakatadhana na balang araw ang tao ay magsusuot ng pustiso, aka dentures.

Hindi ba’t nakakagaan ng loob na sabihan ka balang araw, “Nice Dentures you got there!” O kaya magpayabangan kayo ng mga kabarkada mo ng suot suot na Dentures.

John: Wala ka dito sa dentures ko pre! Manamisnamis!
William: HA? Manamis namis lang? Ha, itong denture ko pre isuot mo, para kang lumilipad! Heaven pre, heaven!
Elmer: Wala kayo sa dentures ko! Look at the finishing man! Tinalo ang Jaguar! It has life of its own man! Inuutusan ko pa ang pustiso kong timplahan ako ng kape.
Charles: Look mga pards. My denture is the ultimate machine. Hindi ako nagugutom. May tumutubong gulay sa gilid gilid ng pustiso ko. Nakakakain ako kahit hindi na ako magtrabaho. May sarili pa itong water supply sa loob, so no worries.

Dental Updates Etc

4 Oct 2009 In: Dentist-Dental-PDA

Nagpakabusy ako sa dentistry these past few months that’s why I was not able to update this blog. And now I’m officially not back!

After attending the Dental Convention last month, I finally saw the light. Opo mga nag-iisa kong mambabasa. Nakita ko ang liwanag na ang Dentures and Dental Implants ang pinakamabili whenever patients visit their dentist. Special Studies in Prosthodontics is really good especially if you’re planning to work in other South East Asian countries.

I have doubts now if Orthodontics will be profitable in the future if I take the said masteral course. Kasi there are lots of dentists now who are taking up the said course. But of course I drink Vit-Water too just like my idol Manny Pacquiao. Before vit-water, I drink my magnolia milk first, as advised to us by nanay Dionisia.

Whenever I see the light I always remember that when I was 8, my father beat me to a pulp because I bought a plastic toy soldier. You know, the green plastic toy that costs 50 centavos which they commonly sell outside your school after classes.

Ngayon kahit ilang sunda-sundaluhan kaya kong bilhin at hindi na ako mapapagalitan dahil sa 50 centavos na laruan.

That’s all. Please come back here often.

Lakers Won

15 Jun 2009 In: Pre idol

Iba na talaga kapag kadugo mo si Nostradamus. Estudyante ni Madam Rosa. Fan ni Madam Auring. Natupad ang prediction ko, Lakers won against Orlando Magic.
Read the rest of this entry »

Finals: LA Lakers Vs. Orlando Magic

26 May 2009 In: Pre idol

Batay sa pamagat Lakers ang mananalo laban sa Denver Nuggets. Bakit? Dahil sa experience. Higit ang talent ng Nuggets kumpara sa LA Lakers. Pero mananalo pa din ang lakers kasi: 1. gutom sila, tinalo sila last year ng Boston. 2. Nahirapan sila sa Houston, dagdag sa experience yan. 3. Nadalian ang Nuggets sa playoffs.
Read the rest of this entry »

Orlando Magic beat Boston Celtics

17 May 2009 In: Pre idol

Tinalo ng Orlando ang Boston. Bale Cleveland Cavaliers at Orlando Magic ang maghaharap sa Eastern Conference Finals. Sa mga nakalipas na laban ng Cavaliers sa playoffs, puro nila sinagasaan ang mga team.
Read the rest of this entry »

Kakaiba 'to, Pre

Mga Head Hunter ng Baguio City. Hay Land ng Benguet. Lo' land ng Pangasinan. Big brother ng Tarlac.


Pages

 

January 2012
M T W T F S S
« Sep    
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031