Kadalasan, may freebies kapag bumibili ako ng materyales galing ng Dentsply. Pero okay lang din naman kung wala.

Ang mahirap nito, noong huli akong bumili; ang sabi ibibigay ang libreng bur sa susunod na pagbalik ng ahente. Pagbalik niya, ang ika niya sa susunod na pagbalik na lang daw ulit kasi nakalimutan niya. Ilang beses pa siyang dumating ang lagi niyang sabi, nalimutan niya.

Nitong huli ang sabi ko sa kanya, hindi ako kukuha/bibili hangga’t hindi niya ibinibigay ang ipinangako niya.

Hindi na siya bumalik, hindi na nagpakita. Walang kuwentang kausap.

Voco na lang ang bibilhin ko mula ngayon.