Dakkel, dakkel naman | Philippines
Ilocano ang usapan, naitranslate ko na.
Ale: Tao po! Tao po!
Dentista: Ano po iyon?
Ale: Magpapabunot ako ng ngipin.
Dentista: Pasok ho kayo.
Nasa pintuan ang ale at ayaw pang pumasok kahit pinapasok na.
Ale: Magkano ang isang bunot?
Dentista: P200 po. Depende pa din kung kumplikado.
Ale: Ang mahal naman! (Nagnginan!)
Gulat na gulat ang ale. Gitlang-gitla. Luwa ang mga mata.
Ale: Kasama na ang gamot doon?
Dentista: Hindi ho kasama. Magrereseta ako tapos bibilhin niyo sa botika.
Ale: Ang mahal naman! Puwede bang P100 na lang?
Dentista: O sige ho P150.
Ale: Sobra naman kayo!
Pumasok ang ale.
Dentista: Pasok ho kayo.
Ale: Ang init naman! (Nagpudotten!)
Gusto ng Ale buksan ang air-con. Pagbigyan. Kinuha ng dentista ang history at record. Sinimulan ang pagbunot. Pinahiran ng topical. Matapos nito, tuturukan na ng anesthesia.
Ale: Aray! Aray!
Dentista: Sandali lang ho ito. Talagang may konti kayong mararamdaman.
Matapos ang ilang sandali. Binubunot na.
Ale: Aray! Aray!
Dentista: Masakit ho ba?
Ale: Oo masakit! Masakit!
Tinurukan. Masakit pa rin. Tinurukan. Masakit pa rin. Ilang carpule na ng anesthesia?
Bulak o gauze, tubig, kuryente sa ilaw, autoclave/sterilization at air-con, papel sa reseta, tinta ng ballpen, papel sa record, needle, anesthesia, topical anesthesia etc. Paano na ang puwersa sa pagbunot ng ngipin. Isama mo na rin na nakataya ang lisensya ng dentista.
Ilang taon ang dentistry? 2 years prep, 4 years proper. Paano ang training sa actual na pasyente? Ilan ang required na bunot, pasta, OP, Pedo, Perio, Special Surgery, RCT etc bago grumadweyt ang dentistry student? Tandaan nating binabayaran ng dentistry student ang kanilang mga pasyente noong nag-aaral sila. Iba pa ang bayad sa ahente (tagahanap ng pasyente). Huwag din nating kalimutan ang meal ng ahente at ng pasyente. Idagdag na din natin ang power trip ng mga teroristang mga prof. Oo nga pala, lalo pang pinahirap ang board exam para sa mga dentistry graduate, lalo na sa practical exam.
Balik tayo sa kuwento. Paano kung hindi ininom ng pasyente ang inireseta ng dentista. Nagkaroon ng kumplikasyon. Dahil sa katigasan ng ulo ng pasyente, lumala at namatay? Paano kung isinisi pa sa dentista? At tinawag kang “dentistang namatayan ng pasyente”.
Sulit ba ang P150?
Bakit hindi natin gawing P250? Paano nga ba, eh ang kapwa mo dentista kapit na sa patalim? May ilang kupal na dentistang naniningil ng P80. E-I-G-H-T-Y P-E-S-O-S. 80 PESOS. 8000 Centavos. Convert mo sa US dollar, P80 = $2.
Mas mabuti ngang mangibang bansa ang mga dentista.
Ang ate ko nga pala, doktor ng medisina. May mas malala pa siyang kuwento kaysa sa kuwento ko.
No related posts.
Mga Head Hunter ng Baguio City. Hay Land ng Benguet. Lo' land ng Pangasinan. Big brother ng Tarlac.
Leave a reply