Third to fourth year lagi silang magkasama. Partner pa nga ni Ric sa JS Prom eh. Kahit nga sa kolehiyo hindi nila nakalimutan ang isa’t isa. Kapag wala sa bahay si Ric, sigurado na kina MC iyan. Bagay na bagay talaga sila Ric at MC.

Akala mo nga sila na.

Ano ang problema?

Magpinsan sila.

Malay mo, ang pagiging magpinsan nila eh mala-Lolo Giorgio. Ang kapitbahay kasi ng tatay ng nanay ng tambay na asawa ng labandera sa kanto eh kapatid ng asawa ng lasenggo na nakatayo sa tapat ng tindahan ng nanay niya. Kaya magpinsan sila.

Malay lang iyon.

Hayon, wala na.

Repa, tignan mo ang BF ni MC ngayon, kahawig ni Ric.

Ang tanong sino si Ric? Sino si MC?

Ric ang pangalan ng taghiyawat sa noo at MC naman ang pangalan ng taghiyawat sa pisngi ni Madam Rubite. Grade 3 iyan, pre*.

Paunawa: Ang tono sa pagbigkas ng pre ay inyong madidinig sa Slam Dunk Kapuso Tsanel.