Dakkel, dakkel naman | Philippines
May kaibigan ng kaibigan ko sa internet ang nagparegister noon ng domain name.
Itong kaibigan ng kaibigan ko ay lagi ko noon kadebate tungkol sa isang laro. Siyempre bata pa kami noon kaya medyo mainit ang debate namin. Lumipas ang panahon, para sa akin wala na iyon. Pero ewan ko lang kung naalala niya pa ako.
Balik sa kuwento. Madami akong domain. Kaya maano na lang iyong isang domain at ito nga’t inilibre ko si kaibigan ng kaibigan. Hindi ko lang alam kung naikwento ng kaibigan ko sa kaibigan niya na ako ang madalas niyang kadebate noon at siya ngayong pinaparegister niya ng domain name.
Sa account ko nakareg ang domain niya pero naka”private register” siya.
Medyo sumikat ang isang website ni kaibigan ng kaibigan. Humingi ako ng link exchange para sa isa kong website, na kung tutuusin makakatulong pa sa website niya dahil okay na rin ang pagerank nito. Hindi blog ang nasabi kong website, pero mainam sa backlink.
Sabihin na nating mayroon akong paraan para malaman kung nabasa na ng kinontak ko ang message ko. Sigurado ako nabasa niya ang request ko.
Ang resulta? Hindi niya pinansin ang request ko.
Ilang buwan na rin ang nakalipas mula noong request ko. Papaexpire na ang kanyang domain.
Sa totoo lang dinidemonyo ako. Ano kaya’t bigla kong ibenta sa iba ang domain niya? O kaya biglang kong irelease ang private reg niya? Palitan ko kaya ang nameserver? Hehehe! Auction ko na lang kaya?
Pero sa katapusan hindi ko din maatim magsabotahe ng isang website. Sisingilin ko na lang sa renewal ng domain name niya.
Mga Head Hunter ng Baguio City. Hay Land ng Benguet. Lo' land ng Pangasinan. Big brother ng Tarlac
Leave a reply