Delikado pala ang gumamit ng close up toothpaste eh. Kapag gumamit ka ng pula, magbubuga ka ng apoy. Kapag blue naman, magyeyelo ang mahihingaan mo. Paano na lang kung napaubo ka pababa, sakto natamaan ang birdie mo? Saklap, maaabo si birdie.

Hindi na ako bibili ng close up.

Bakit naman ganoon si Carmina? Iyon ba ang impluwensya ni Rustom kung bakit siya naging ganoon? Ambata ng anak niya, pinagpinta niya.

Hehehe. Paano naman ang mga patalastas ng isang magandang dalaga. Sanitary napkin, feminine wash, shampoo at kape. Wala pre! Berde ka mag-isip!
____________
Ric: 12 000
Nanay: Gusto mo na ba iyan anak? Mura na ba kung ganyan?
Ric: 220 mama. Mura n kung lugar ang pguusapn.
Nanay: ….

Hindi nagreply ang nanay ni Ric. Mga ilang araw. Nagtataka siya kung ano ang 220. “Bakit ganun?”, ang iniisip niya. “12, 000 tapos naging 220. Two Twenty? Two Hundred Twenty?” Ang resulta, hindi nakuha ni Ric ang Apartment sa Baguio. Pagkatapos ng ilang araw at ilang beses na pagbasa sa text ni Ric, naintindihan din ng nanay niya, na ang ibig sabihin ng 220 ay “totoo“.