Madilim, unti-unting lumiliwanag ang kuha sa camera
Background: Booo! Ituloy na ang kuwento! Tapusin mo ang kuwento.

Sa gilid papuntang sentro.
Konsensya: Ano ka ba? Puro na lang tungkol kay Percy at Ric! Isama mo na kaya si Remy at Conrad!

Mula kanan biglang litaw.
Remy: Oo nga, bakit hindi mo ako isama sa kuwento.

Sa gitna, sa ilalim ng dilaw na liwanag.
Ako: Pasensya na. Hindi bale, nakastore po sa memory ang kuwento. Bukas o basta sa linggong ito, itutuloy ko ang kuwento tungkol sa binyag ng anak ni G, at kasal ni W at A.

Papataas mula ilalim ang camera papalapit papuntang ilalim ng ilong at sa anino nito.
Conrad: Sana isama mo na din kung bakit Asero ang “Greatest Movie of All Time”.

Sa gitna, sa ilalim ng dilaw na liwanag.
Ako: Ha?

Babae, sa likod niya ang bintana at may mala-kidlat na patay-sinding liwanag.
Juliet: Sus! Deny! O sige, yung pagsuot mo na lang ng ID sa McDo sa Morayta.

Sa gitna, sa ilalim ng dilaw na liwanag.
Ako: Ha?

Biglang salita sa harap ng camera:
Ronnie: Basta aku, imu ang piborit sung ku.

No related posts.