Dakkel, dakkel naman | Philippines
May natanggap ka na bang text/sms na ang nakalagay eh nanalo ka ng malaking halaga sa isang contest kahit wala ka namang sinalihan? Isa itong scam na mala 419.
Ako, mula noong isang taon nakatanggap ako ng, siguro, mga tatlong messages na ganito.
Ito, isang araw wala akong magawa at inirecord ko ang aking pakikipag-usap sa isang scammer.
——-
Marubdob na Title ng Kuwento:
Si Dr.Orly Laban sa Scammer
Batas/Paunawa/Intro:
Para maenjoy ang mpeg sa ibaba, kailangan mo ng speaker. Siyempre, para mapakinggan mo. Kailangan mo din ng anti-virus baka malay mo may virus pala ang file na bubuksan mo dito; siyempre dapat nag-iingat ka din. Pero sa pagkakaalam ko; wala namang virus itong computer ko.
Background music:
Tung tutung tutung tutung tung tung tung
Isang araw sa buhay ni Dr.Orly, nakatanggap siya ng text/sms:
Tururut-tut-tut! Tururut-tut-tut!
Contact: +639176025260
Date: 3/14/2008 7:56 AM
Congrats!Ur cel# had won w0rth of P/750,000 n(PGMA)charity fundraising draw. March 14 2008.. NCR/DTI permit#3431. Pls. Call me n0w. ATTY. CRIST T GARCIA-END
Dr.Orly: Wahehehe! Iskamber, teks teks sa imu ha? Masakyan nga.
Reply ni Dr.Orly.
“Wow. That’s great. Thanks!”
Tururut-tut-tut! Tururut-tut-tut!
Reply ng scammer.
Contact: +639176025260
Date: 3/14/2008 8:12 AM
Please call me now for info & details to claim your prizes ok gudluck.
Dr.Orly: Tawagan daw. Teka ha? Teka ha?
Nagdial si Dr.Orly, tinawagan ang numero +639176025260. Tuuut tuuuut tuuut. Hindi sinasagot ang tawag. Nagteks siya sa iskamber.
Teks ni Dr.Orly.
“Hindi mo naman sinasagot?”
Nagdial ulit si Dr.Orly, at tinawagan ang +639176025260. Tuuut tuuuut tuuut. Sinagot ng scammer ang tawag. Inirecord naman ni Dr.Orly ang tawag sa pamamagitan ng makapangyarihang microphone na binili at gawa pa mula Tsina.
Pakinggan ang tunay at aktuwal na boses ng scammer. Click:
http://www.maydedeakopare.com/sound-1-9/scammer-versus-me-1.html
*Kung napakinggan ninyo ang file sa itaas, hinihingi ng scammer ang pangalan, address at trabaho ni Dr.Orly.
Reply ni Dr.Orly:
“Douglas M. Tan / San Aurelio, Balungao, Pangasinan
Manager ”
Saka siya tumawag sa nasabing scammer. Hindi na naman nito sinasagot.
Teks ni Dr.Orly:
“Mali ba ang naitxt ko?”
Tumawag ulit. At sa wakas sinagot ng scammer.
Pakinggan ang tunay at aktuwal na boses ng scammer.
http://www.maydedeakopare.com/sound-1-9/scammer-versus-me-2.html
At ang mga Pinal na Teks ng Pagsusumamo ng scammer:
Contact: +639176025260
Date: 3/14/2008 10:03 AM
Sir isaid again magpaload ka muna ng dalawang 150 autolodmax ok total of 300 ok at dito mo ilagay sa celno# ko ok para matawagan ko kayo agad pagdating ng pera sa LBC ok at para mamonetor ko kayo agad pagdating ng pera dyan sa inyo lugar ok ngayon na! Ok pagkatapos tawagan muku ulit ok gudluck. Pero kung ayaw mo ok kayo pong bahala ok im doing my job. Ok.kayo nalang hinintay ng finance comette ok.
At hindi pa nasiyahan ang scammer. Pahabol text niya:
Contact: +639176025260
Date: 3/14/2008 10:03 AM
Sir Ito napo adres namin ok para makasegurado ka ok REPUBLIK OF THE philippines GMA CHARITY Foundation special projec division rom 1108 and 11flor multinational bank corporation center 6805 ayala avenue makati city.Salsido biuldings.lastxt npo to my work paku ok. Pero kng naghinala ka at ayaw mo. sbi po ng finance ok Ok this your last warning call me now before i cancel all your prizes!kayo napong bhala hndi po kmi namimilit dito ok..
—————
At dito nagtatapos ang kuwentong pinamagatang “Si Dr.Orly Laban sa Scammer”. Hindi na nagreply si Dr.Orly sa scammer.
Mga Head Hunter ng Baguio City. Hay Land ng Benguet. Lo' land ng Pangasinan. Big brother ng Tarlac
belle
September 29th, 2008 at 12:54 am
jejejej -> pwdi bigyan nio aquh ng lod,,,, lod ha bka virus i bigai nio,.,.,.