Dakkel, dakkel naman | Philippines
One day.
Pinaparepair sa akin iyong cellphone na hawak niya. Napansin ko; ngayon ko lang nakita ang cellphone na iyon. Ang tanong ko, “kanino ito?” Ang sagot niya, “Sa akin.” Binuksan ko, tapos kinalikot tinignan kung gagana. Power on. Nakalagay doon ang pangalan kung kanino. Grace and Rommel.
Nakakatuwa kapag nahuli mo ang matanda na nagsisinungaling. Gamitin mo ang iyong imahinasyon. Halimbawa, noong bata ka at tinanong ka ng kapatid mo tungkol sa crush mo. Ikaw naman kinikilig habang sinasagot mo ang bawat katanungan ng iyong kapatid. Ilagay mo ang iyong sarili sa mata ng iyong kapatid. Halimbawa naman ikaw ang nasa posisyon ng iyong kapatid, at ikaw ang nagtatanong sa kanya. Kuha mo ba sa iyong imahinasyon ang inilalarawan ko?
Hindi ko itinuloy, pero sinubukan ko, di ba? Nabasa ko ang pangalan. Grace and Rommel.
Pero aaminin ko naaawa ako. Sinusubukan niyang gawin ang isang bagay na luma at sira para sa kanyang, object ng pagbibinata.
History. Nauulit, umiikot. Naramdaman ko rin iyon noong bata ako. Tinipid ako, kami, kahit sa kung tutuusin mayaman ang pamilya niya.
Hiniritan ako. Humingi ng cellphone.
Good boy. Binigyan ko. Pero ang sabi ko, “Ito, gamitin mo. Ayaw kong magamit ito ng mga taong walang link sa akin ni gapatak na dugo.”
Kung Kapatid ko. Ok lang. Kahit half – half lang. Pero kung iba. Ibang usapan na.
Isa lang kasi ang nanay ko. Isa din ang tatay ko.
Hindi ko maimagine na tawaging nanay ang kasing-age ko lang.
Pero wala din. Sa katapusan. Ang ibinigay ko, ibinigay din sa asawa niyang kasing-age ko.
Ang tanda na, ngayon lang siya nagbibinata.
No related posts.
Mga Head Hunter ng Baguio City. Hay Land ng Benguet. Lo' land ng Pangasinan. Big brother ng Tarlac.
Leave a reply