Naglalakad at patingin-tingin. Mga bagong produkto, gamit at aparato sa exhibit. Nag-iisip. Nagdadalawang-isip.

Tumingin. Napatigil silang dalawa. Microsecond. Maganda. Maputi. Maamong mga mata. Uhaw ang damdamin. Nagtagpo ang kanilang mata. Napatigil. Napatigil. Napatigil silang dalawa. Mismong kilos ng mata napansin.

Ngunit!

Hindi sila nagkainlaban.

Lumindol. Boom! Boom! Boom! Ano yan tambol?

Umulan ng apoy. Prst! Prst! Prst! Ano yan sipon?

Gumuho ang SMX.

Ngunit!

Dito na ba magtatapos ang kuwento? Kuwento ni manong Apring. Ang Barbero sa tabi ng tindahan ni Judge Norada?

Ito na ba ang huling tagpo sa pelikula ng sabon? Sinu-sino ang mga Judges sa Ms. Rosales Beauty Contest? Bakit hindi nanood ang mga manyakis na kakilala ni Ron Ron?

Kung minsan, dumarating ang pangyayari. Sa dinami dami ng tao sa mundo. Sa dinami dami ng bagay sa mundo. Sa dinami dami at laki ng kaimposiblehan. Bakit nga ba kung kailan hindi ka handa saka biglang lilitaw ang ex mo?

Jabar! Jabar! Jabar! Ang tili ng Universal Motion Cheering Squad. Background music at paeffect sa kuwentong binabasa mo ngayon.

Magulo ang kuwento. Siguro dahil pang-asar lang.

No related posts.