Dakkel, dakkel naman | Philippines
Time Machine
10 million years ago.
Grade 1
“Hunyo na. Pasukan na naman. Matatapos na ang bakasyon. Gigising na naman kami nang maaga. Bibili na naman kami ng bag at notebooks. Bag na pula siguro ang bibilhin namin. Kailangan ko din ng pad paper, eraser na puti, pencil na mataba at lunch box na pula. Siksikan na naman sa palengke. Maputik.
Pero masaya iyon. Pagkatapos naming makabili ng gamit para sa paaralan, dadaan kami sa tindahan ng tupig. Bibilhan ako ng nanay ko ng madaming madaming madaming tupig. Sarap sarap! Tapos dadaan kami sa newstand, bibilhan ako ng nanay ko ng Funny Comics.
Tapos ihahatid sundo na naman ako ng Lola ko.”
Brzt brzt brzt. Pumalya ang Time Machine.
May usapan kami ng Lola ko na kung mamatay siya, magpakita siya sa akin. Multuhin ako.
Wala nga ako sa burol niya eh. Paano ba naman, hindi man lang isinabi sa akin noong namatay siya.
Mga Head Hunter ng Baguio City. Hay Land ng Benguet. Lo' land ng Pangasinan. Big brother ng Tarlac
Leave a reply