Mabagal ang buhay. Nagshopping ako. Putek, shopping? Ano iyang kalokohang iyan?

Hindi. Shop kasi ang tawag doon sa tindahan eh, di shopping, di ba? DIY Shop. Ano nga kaya baguhin natin, naghardwaring ika ako.

Hindi. Pinapaikut-ikot ko lang. Namili ako. Ganoon kasimple.

Bumili lang ako ng mga door knob. Madami, anim na doorknob. Tapos sabitan ng cord ng telepono.

Walang kalatuy-latoy.

Hindi ako makakibo habang laban ni Pacquiao. Hindi naman ako pumusta. Basta nakakakaba lang. Hindi na ako pumupusta. Ayoko na sa thrill o suspense o ownage. Got owned ika nga.

Sinungaling.

O sige. Paminsan minsan pumupusta ako. Ipapakita ko sa susunod na post ang mga nasabing bet slip.

Hindi ako nakaabot sa enrolment. Baka next sem na lang. Hindi nursing.

O hayan. Ngayon naman bilangin mo ang “hindi” sa post na ito.