Grupo ng mga adik
Adik1: Gagawa daw ng lab istori si yards.
Adik2: Gagawa o magsusulat?
Adik1: Magsusulat pala.
Adik3: Palakihan na lang ng dede maniniwala pa ako.
Adik2: Tamang tama. May babasahin ako habang head hunting.

Biglang salita (sawsaw) si Big Brother.
Big Brother: Adik2, pumunta ka sa confession room.

Biglang tunog ng background music.
*Kanta ni Mandy Moore*

Big Brother: Adik2, alam mo bang matagal ko nang ipinagbabawal ang head hunting dito sa bahay ko?
Adik2: Hindi ko po alam big brother! Bakit bawal?
Big Brother: Walang mapapala ang mga adik na tulad mo sa pagiging head hunter.

Magkakaroon ng balloon na mala-komiks sa tapat ng noo ni Adik2 at ipapakita sa movie clip si Adik2 at Adik4 na nagiinuman. Nang malasing, nagpaluan sila ng ulo gamit ang Bote ng Alak. Tumba si Adik4. Habang sumisirit ang dugo sa bumbunan ni Adik4, isinasayaw ni Adik2 ang Igorot Dance nito kasabay ng Battle Chant. Nagtagumpay si Adik2 at Adik4 sa pagiging mga dakilang headhunter ng Baguio.

Big Brother: Bakit ka naluluha Adik2.
Adik2: Paano ko pa maeenjoy ang pagbasa ng susulating love story ni May Dede kung hindi niyo ako hahayaan sa tradisyon kong headhunting?
Big Brother: Magsusulat ng Love Story si May Dede?

Ito ang katanungang umalingawngaw sa bahay ni kuya.

Kuya.

Kuya.

Kuya?

Matagal ka pa diyan sa kubeta?