This post is the center of the Solar System moving around it are the comments.

Kaungguyan

Matthew ang Taong Grasa: camera ang hawak niya

Maikling pangungusap daw ang gamitin kapag nanliligaw.

Kasama ako ng ate at nanay ko. Sa SM kami, sa North Edsa.

Matagal silang mamili. Ganoon talaga karamihan ng babae.

Pahinto-hinto. Titingin-tingin sa mga istante. Magtatanung-tanong tungkol sa sukat.

Ayos naman ang kalidad ng panlasa nila. Sa mga abubot at iba pang accessory.

Tapos bigla na lang silang napatigil. Nakatingin sa bag na polka dots.

“O! Ba’t sila napatigalgal?” ang tanong ko sa konsensya kong bida sa Safeguard. “Ewan”, ang sagot niya.

Ano ang misteryo? Nakainom ba sila ng Flanax? O ginawang tubig ang Slenda? Para tignan ang Polka Dots na bag nang ganoon karubdob at punong puno ng pagkagitla?

Kunot noo ako at mala-taong grasang napa “U-huh! B-k-t?”

Itinuro nila ang paligid. Lahat pala ay tahimik. Ako lang ang namumukod tangi.

Lahat sila’y nagdarasal.