Dakkel, dakkel naman | Philippines
Ang ika ni Titus Abola, “I admit, this topic has been done to death.” Dagdag pa niya, “That eventful week in January and for many days after, the favorite topic in all the major newspapers as well as many TV and radio news and talk shows was none other than the ousting of Joseph Ejercito Estrada…”
May nakakaalala pa ba ng The Web Philippines Magazine? March 2001. Nabuksan ko lang ulit ngayon. Si Titus Abola ang Editor noong 2001. At sa buwang edisyon na iyon, nandoon ang pangalan ko at website namin. Nakakapanindig balahibo.
1997. 1997. 2000.
Gusto kong magkuwento.
Sa panahong ito. Ngayon, kahit mga bata may domain name.
Noon, mangilan-ngilan lang kaming may domain name sa Pilipinas. Nanghihinayang din ako pinabayaan ko ang domain name ko. Iyong kaibigan ko Pagerank 8 na ang website niya. Hindi niya na siguro ako kilala. Ayokong maalala niya ako.
Pero teka, tinignan ko ang domain name kong naka “parked domain”, Pagerank 3. Ganoon na katagal ang domain na iyon na nag-e-exist, kahit parked domain nang matagal, mataas pa rin ang pagerank dahil madaming matatandang domain name ang nakalink pa rin doon. Old links never die.
Hindi pa uso ang Pagerank noon. Yahoo ang sinusunod namin kung search engine din lang ang pag-uusapan.
Buhay pa kaya sila? Siguro.
Madami akong nasayang na pagkakataon. Madami din akong pagkakamali. At madami din ang…
Gusto ko pang magkuwento.
Kilala mo ba ang pinakasikat na blogger ngayon sa Pilipinas? Noon wala, hindi siya pinapansin. Pinapansin siguro pero mas mataas ang tingin namin, ng lahat sa mga nauna o tawagin ko na lang mga Pioneer.
At sino naman ang makakapagsabi na balang araw, ang simpleng blog niyang pinamagatan niyang redshift noon ang siya ngayon pinakasikat na blog sa Pilipinas. Ang ika nga niya sa greetings ng website niya noon, “Welcome to my personal Online Journal! Why redshift when this site is does not really feature the primary color?! Here’s why.”
Webzine. Webzine. May Design E-zine pa ba? Meron. Pero itutuloy ko ang kuwento next time.
No related posts.
Mga Head Hunter ng Baguio City. Hay Land ng Benguet. Lo' land ng Pangasinan. Big brother ng Tarlac.
Leave a reply