Dakkel, dakkel naman | Philippines
Background Music: MASDAN MO (ANG KAPALIGIRAN) by Asin
Intro: Napapanood mo sila sa TV. Artista. Bigla mong mapapansin may nabago sa mukha nila pero hindi ka sigurado.
Nasa ngipin nila ang sikreto. Katulad na lang ng isang artistang lumipat sa Siete. Hindi ko kilala ang salaring gumawa noon sa kanya pero ano ang tingin ninyo sa kanya ngayon? Bagay na bagay pa naman noon sa kanya ang pangalan niyang Heart.
Kung minsan kagagawan ng dentista kung papangit ka o hindi. Kung minsan depende din sa pasyente. Kung minsan sa dental laboratory. Kung minsan sa materyales na ginamit.
Tulad nito. Halimbawa ito ng transformation ng halimaw mula tao.
Kapag mahaba ang puwang o madami ang ngiping wala na, ang dapat sa pasyente ay Removable Partial Denture. Pero ang problema matigas ang ulo ng pasyente, ayaw sa tinatanggal. Kahit ilang beses na paliwanagan Fixed Partial Denture pa rin ang gusto.
Nasunod ang gusto ng pasyente. Ang malas nito, bumagyo sa Pangasinan. Bumaha, nagsitumbahan ang poste ng kuryente, napautot ang branch manager ng BPI, bumaha sa Dagupan. Ang kinalabasan naging werewolf ang mga technician ng Dental Laboratory. Kaya pati ang FPD na pinaprocess nila nagmukhang ngipin ng mga Taong Lobo.
Nagsilabasan ang mga Igorot at nagsisayawan ng Igorot Dance nila. Lalong lumakas ang ulan. Milyon-milyong langgam ang nalunod. Nagdeklara ang bansa ng langgam ng State of Calamity.
Biglang nagalit si Piolo. Kasama niya si Sam. Naghiwalay sina Lotlot at Monching. At biglang tinubuan ng mahabang pangil na pabaliktad ang Fixed Bridge na ginawa ng mga werewolf sa Dental Laboratory.
Hindi nakuntento ang Pinuno ng mga Taong Lobo. Uminom ng kahon-kahong Arthro. Ipinakita ang likod na bahagi ng Fixed Bridge at tumakbo nang paatras.
Tapos ang kuwento.
Pero sa totoo lang, naging ganito ang Fixed bridge na ito dahil may malawakang brownout sa Pangasinan. Kaya naapektuhan ang dental laboratory na gagawa sana nito. Ang nangyari, ipinadala nila sa Dental Laboratory sa ibang probinsya na may kuryente. Ang kamalas-malasan nito, hindi pala mga tao ang mga Dental Technician nila. Kaya iyon, ang ginawang Ngipin hindi pang-tao.
No related posts.
Mga Head Hunter ng Baguio City. Hay Land ng Benguet. Lo' land ng Pangasinan. Big brother ng Tarlac.
Leave a reply