Lokasyon: Sa loob ng Time Machine
Background Music: BAKIT by Aegis

Philippine Web Awards

O ano baka pati lyrics gusto mo? Siyempre naman. Gusto mo ang lyrics. O ito, click.

Papagabi na noon. Maagang natapos ang shift ko sa pinagtatrabahuan ko sa Makati dahil natapos ko agad iyong pinagagawang program sa akin ng Boss ko.

Sa pagkakaalam ko tatlo kami sa kompanyang iyon ang pupunta sa Philippine Web Awards. Pero si manong lang ang nakausap ko:
Ako: Pupunta ka mamaya di ba? Hindi ba Finalist ka?
Manong: Yeah. Punta ako mam’ya.
Ako: O sige. Kita na lang mamaya doon sa lobby.
Manong: Oks.

Mahilig sambitin ni manong ang “OKS” at “A’right”. Nakuha niya siguro kay Big Boss. Malayo ang Makati sa Sampaloc. Ewan ko ba natiis ko iyong pagtrabaho doon.

Siguro may gusto akong patunayan. Siguro nangangarap pa ako noon. Siguro bata pa ako noon. Malaki ang suweldo pero siguro hindi suweldo ang dahilan. May malalim pa sigurong dahilan.

Nakauwi ako. Napagod. Balik sa reyalidad sa bisinidad ng Sampaloc.

Naghihintay si GF. Nagtatampo kung bakit hindi ko na siya inihahatid. Magaling akong magpalusot. O marahil dahil na rin naawa siya’t mukha akong prinitong palaka.

May pupuntahan pa ako, ang nasa isip ko. Gabi na. Kumain ako, tapos naligo. RUSH>LBO

RUSH>LBO - Huwag mo nang isipin kung ano ang ibig sabihin niyan kaungguyan lang galing sa Ragnarok.

Malayo ang biyahe sa Awards. Matagal pero nakadating din ako.

Tapos.

Tapos iyon nga lang itutuloy ko na lang ang kuwento next time. Dahil nag-iinstall pa ako ng iba’t ibang kalokohan sa server tulad ng eaccelerator.

At saka nga pala. Philippine Web Awards? Wala na ngayon iyan. Ano ang aaward-an mo ngayon? Ang Theme ng Drupal? Ang paglayout ng Joomla? Ang pagdelete ng footer sa Wordpress?

Alam ko. Hehehe. Baluktot ang rason ko, hehehe.

Ang medyo uso ngayon, Philippine Blog Awards.

Lyrics ng Background Music sa Itaas:

Bituin sa langit, ako’y namilipit
Ni hindi marinig, kahit isang awit
Ito’y para sa’yo…oh…ho…

Bituing marikit, oh napakasakit
Himig ng pag-ibig, aking inaawit
Ito’y para sa ‘yo…
Naghihintay kaya sa isang wala
Tulad ng bituing hindi nagniningning
At bawat kislap ng ‘yong mga mata

Oh, bakit?
Tanong ko sa `yo
Oh, bakit?
Ba’t natitiis, oh, bakit?
Puso ko’y sinugatan mo…

Sa mumunting ilog, ako’y namumukod
At paikot-ikot at napapagod
Ako’y para sa’yo…oh…hoh…