Dakkel, dakkel naman | Philippines
Uso na ngayon sa domain registration ang whois protection. Pinauso yata ito ng godaddy. Oo nga naman ayos itong Whois Protection para hindi makita ng ibang tao, ang pangalan, address, telephone number mo.
Oo ayos na ayos.
Ito naman ang hindi ayos na experience ko tungkol sa Whois Privacy na iyan.
May domain name akong iniregister sa GoDaddy noon. Para sa isang forum ang nasabing domain name. Sa domain registration noon may nakalagay doon na option tungkol sa Whois Privacy. Interesante, kaya iniwhois protect ko ang domain name ko. May warning noon na nakalagay sa website nila, tungkol sa hindi paggamit ng “free” email account sa Registration ng Domain Name.
Meron pa rin ngayon sa website nila ang warning na sinasabi ko.
Ang gusto ko noong una, gamitin ang Mailcity email ko. Pero ang nasa isip ko noong nabasa iyon, “Sige gamitin ko na lang ang email kong nakatali sa isang registered domain.”
Sumatutal dalawang domain ang nairegister ko noon sa gotatay. Ayos na ayos.
Ang malas ika; lumipas ang panahon, hindi ko narenew ang domain name ng email na ginamit ko. Ang problema, nakatali iyon sa Whois Protection sa dalawa kong domain sa godaddy. Kaya ngayon hindi ko macancel ang Whois Protection. Hindi ko din mailipat sa ibang Registrar Company tulad ng Namecheap. Dahil kapag naka Private Registration ka hindi mo pwedeng ilipat, hindi kasi nakalagay ang pangalan mo sa whois data.
Ang aral na idinulot nito, ano? Una, huwag susundin ang babala ng mga Malalaking Kompanyang binibilhan mo. Lalo na’t ang pakay eh iexploit lang ang katangahan ng mamimimili. Pangalawa, gumamit ng free email sa mga pangmatagalang account. Tatlong mga major free email provider, lycos, yahoo at gmail.
Ang gamit ko ngayong email sa major transaction, iyong email ko pa mula noong 1998. Mailcity.com, mail.lycos.com na sila ngayon.
Mga Head Hunter ng Baguio City. Hay Land ng Benguet. Lo' land ng Pangasinan. Big brother ng Tarlac
Leave a reply