Dakkel, dakkel naman | Philippines
Hay. Anlungkot ko. Epekto ng huli kong pasyente. Hindi ko na makita ang ginagawa ko dahil gabi na. Tapos sabi ko sa assistant ko paabot ng stripper. Hanap naman siya. Hindi niya makita. Napa “Hay naku!” ako sabay dabog. Na hindi ko naman dapat ginawa kasi matanda na siya. Kahit matanda na siya, gusto niya pa rin akong tulungan; kahit malabo na ang mata niya at mabagal pa. At kahit ganoon, nakapagtitiis pa rin siyang huwag magalit sa akin. Kahit ang paglakad niya’y ika-ika at patagilid, pilit pa rin niya akong tinutulungan. Ayaw niya pang magretire dahil hindi pa nakakakuha ng board exam ang anak niya. Pursigido pa rin siyang magtrabaho kahit ginagasta lang ng bulagsak niyang anak ang kinikita niya.
Pakiramdam ko naramdaman ko ulit iyong naramdaman ko noong nasa kindergaten ako. Pagabi na noon. Halos ako na lang mag-isa sa school. Kasi nalimutan ako ng Lola kong sunduin ako. Kahit nangyari iyon mahal ko ang Lola ko.
Lalo na’t noong namatay siya hindi man lang ako nasabihan dahil nasa Manila ako.
Kailan kaya ako mumultuhin ng lola ko? May usapan kami noon na kung sumakabilang buhay siya, multuhin niya ako para malaman kong may kabilang buhay.
Mga Head Hunter ng Baguio City. Hay Land ng Benguet. Lo' land ng Pangasinan. Big brother ng Tarlac
Leave a reply