May nakakaalam pa ba sa halfproject.com? grafikas.com? pagedown.net? fractal cow (Nalimutan ko na yung orig na URL, bagong version na yung fractalcow.com pero si Dino Ignacio rin ang gumawa) ? threeoh.com? caffemocha.com? k10k.net? surfstation.lu? kiiroi.nu? virus1.dk? lotsofpeopleinboxes.com?

Buhay pa ang praystation.com. Patay na ang skilla.com. Buhay pa ang inksurge.com. Buhay pa ang littlerocket.net. Buhay pa ang k2ia.com.

Noon k10k.net > alistapart.com, ngayon alistapart.com > k10k.net

Madami ang nabago lalo na’t lumaki nang todo ang google.

Hahaha! Halata bang takot ako sa google? Malay mo baka tanggalin nila ako sa resulta ng “may dede” sa google search. Bwahahaha! Dede, dede, dede pa rin.

Copy paste niyo na lang ang mga URL kung gusto niyong bisitahin ang mga website.

Tuloy ang kuwento.

Madami sa elitista ng web design ang balewala na. Madami sa walang alam sa web design ang malaki ang kita.

Gusto mo ng website? Maginstall ka ng wordpress, instant website na. Gusto mo ng design? Search ka sa google ng wordpress template. Gusto mong mapuri? Tanggaling mo ang footer sa wordpress saka mo ipaste ang pangalan mo.

Kakatwa. Malaki ang ipinagbago ng lahat.

Mapera > Magaling = Mapera.

Wordpress > Blogspot = Wordpress panalo ito.

Sulit > Buyandsellph = Sulit.com.ph pa rin ang panalo.

Woshoo. Equation.

You + Me = Love + $

—-
PS (pahabot sulat): Pakibisita ang website ni Matthew tungkol sa resulta ng board exam. Para makahirit ako’t malibre ng burjer.