Ang lawak-lawak ng universe. Ang dami-dami ng tao. Ang liit-liit ng probabilidad.

Madami na ang nabiling domain name. Madami na ang nagawang website. Madami na ang naisulat.

May mas maganda sa iyo. May mas magaling sa iyo. May mas maabilidad sa iyo.

Pero kahit gaano kaimposible, may magkakainteres sa gawa mo. Gusto ka niyang kontakin at iniisip kung papaano ka i-email. Iyon nga lang, hindi nakalagay sa website mo kung paano ka iemail. At ang malas nito, walang contact form ang website mo.

Kaya simula sa araw na ito, ilagay mo ang email mo, o kaya’y maglagay ka ng contact form.

Ika nga ng paborito kong wrestler na si Dusty Rhodes, “Yards, ilagay mo ika ang email mo sa ikang website, right here… right now! Kung ayaw ni mo, I gonna smash your head with this steel ladder right here… right now! Email ika sa imong website!”