Nakita ko sa SM North Edsa ang kaklase ko noon sa Dentistry. Kumukuha na siya ng Masters ngayon. Doctor ang napangasawa niya. Malaki na ang ipinagbubuntis niya noon.

Matagal ko na ring iniisip kung may konspirasi tungkol dito. Katrina ang pangalan ng kaklase ko. Tapos may kaibigan kami Halili naman ang apelyido. Pareho silang maganda. (May bayad yung pagpuri ko ha?). Hindi kaya, ang nakatuklas kay Katrina Halili ay kaibigan nilang dalawa? Tapos pinagcombine ang pangalan nila upang maging pangalan naman ng nasabing artista?

Siyempre malamang isang higanteng kalokohan na naman itong iniisip ko.