Hindi din mainam manirahan dito sa Pangasinan.

Mas lalo noong medyo bata pa ako. Nakakaasar, kasi pinapalitan nila ang mga TV shows ng mga lokal na programa. Sa cartoons ganoon din.

May cable company naman sa amin. Pero hindi mo din maiiwasang manood ng palabas na gawa sa Pilipinas. Iyong mga palabas na Pinoy na gawa ng mga taong may katinuan pa sa pag-iisip.

Sa umaga na lang, iyong Umagang Kayganda pinapalitan nila ng Naimbag nga Morning. Gusto ko na ngang magbigti lalo na’t nagsimula na ang pambansang kanta ng Naimbag nga Morning. Kaya nga nasa Channel 2 ang TV dahil ang gusto naming panoorin eh ang inaasahan naming mapapanood sa oras na iyon. Tapos bigla na lang pupwersahin ng Kapamilya Tsanel ang mga manonood na panoorin ang isang palabas na made in Baguio.

Maganda naman ang babae sa palabas. Iyon lang. Iyon lang ang katangian ng palabas na iyon. Maliban doon wala na. Kaya inililipat na lang namin sa Kapuso Tsanel.

No related posts.