Dakkel, dakkel naman | Philippines
Kakagaling lang namin sa NKTI. Nagkasakit kasi ang isa sa mga mahal ko sa buhay.
Naisip ko lang ito habang nakasakay kami sa taxi. Siyempre uunahin ko nang sabihing maka-Marcos at Ramos ako.
Sabihin nating Marcos. Maiisip mo na ang NKTI, Heart Center at Lung Center. Mga istrukturang napapakinabangan pa rin natin ngayon. Human rights violation. Sa probinsiya nga pala ako lumaki at Human ako, sa pagkakaalala ko hindi naman naviolate ang rights ko noon.
Sabihin nating Cory Aquino. Maiisip natin ang matagalan at araw-araw na brown-out at ang impiyernong dulot nito. Maiisip din natin ang kudeta. Naibalik ang demokrasya. Kung nakatulong man ito o hindi, ewan.
Sabihin nating Ramos. Nahinto ang brownout, nawala ang kudeta at bumuti ang ekonomiya.
Sabihin nating Estrada. Automatic na naisip ko Jose Velarde, Jueteng at Bobby Dacer. Gusto ko din palang sabihin hindi ako against sa Jueteng dahil sa munisipal namin nakakatulong ang Jueteng.
Gloria. Papasok ang Jose Pidal, FPJ at eleksyon, at ZTE-NBN. Hindi ako kontra kay Gloria. Para sa akin, kahit sino ang nakaupo nakadepende pa rin sa tao kung magsisikap siyang umunlad o hindi.
Pero ang punto dito, kahit anong sabihin nilang masama tungkol kay Marcos, siya pa rin ang madaming naipatayo na napapakinabangan pa rin natin.
Sa dulo, bakit nga ba natin pinalayas ang mga Kano? Tignan natin ngayon, madaming kumukuha ng Nursing para lang makapunta sa US. Dapat sana, ginawa na lang ng mga ninuno nating State ng US itong bansa natin.
Kapag nabasa mo ito sana huwag kang mainis. Bagkus isipin mo na lang kung may sense ang nabasa mong ito o wala.
No related posts.
Mga Head Hunter ng Baguio City. Hay Land ng Benguet. Lo' land ng Pangasinan. Big brother ng Tarlac.
Leave a reply