Hindi biro ang magmintina ng isang server.

Sa buhay ng isang webmaster, dumadaan tayo sa: 1. free hosting 2. paid shared hosting (kadalasan cpanel) 3. VPS - virtual dedicated server 4. Dedicated server

Kapag nasa una at pangalawang stage ka pa lang, hindi mo mararamdaman ang threat ng mga hacker. Hindi mo mapapansin dahil ang host mo mismo ang gumagalaw para maging safe ang server kung saan nakastore ang website mo.

Kapag narating mo na ang pangatlo at pang-apat na stage, malalaman mo na ang hirap at kadelikaduhan ng pagkakaroon ng isang malaki at disenteng website. Malalaman mo na sa araw-araw pala, laging iniiscan ng mga hacker ang server ng bawat website sa internet. Lagi silang naghahanap ng vulnerability upang masakop at makontrol ang computer na gamit mo bilang server.

Kahit isang error lang puwedeng lumaki. Lumang php, lumang mysql, lumang apache, madaling hulaang password, bukas na ports, maling konpigurasyon ng dns, email na nagloloko at iba pa. Kahit cron jobs na maling konpigurasyon ay may malaking epekto sa isang server.

Kapag nasa unang stage ka pa lang. Ok ka pa. Pero darating din ang panahon at makakarating ka sa pang-apat. At kung may balak kang makarating dito, kailangan mo nang maghanda sa pamamagitan ng pagbabasa at pag-aaral. At siyempre kailangan mong uminom ng herbal medicine tulad Sambong Capsule, Arthro, Diabet at Slenda upang maging malusog ang iyong utak at maabsorb ang kaalamang iyong gustong higupin.