Dakkel, dakkel naman | Philippines
Paunawa: Ang inspirasyon sa post na ito ay ang Forty Days and Forty Nights.
Ang ika ng Nephrologist sa NKTI: Bawal ho ang kahit anong uri ng herbal. Huwag po muna kayong iinom ng Herbal Medicine.
Ang ika naman ng tatay ko: Ba! Mas magaling pa ba ang lintek na espesyalista na iyan kaysa sa Pinuno naming mga Espiritista? Alam mo bang iyang Herbal na iyan ang nakagamot sa tatay ng istambay na asawa ng labanderang kapitbahay ng lasenggo na asawa ng Pinuno naming mga Espiritista?
Ang dagdag pa ng tatay ko: Aprubado pa iyan ng Provincial Health Administrator ng La Union! (Hindi ko alam kung seryoso siya dito. Sinong doctor na matino ang magsasabing mas epektibo ang herbal at dapat siyang sundin, kaysa sa sinabi ng isang espesyalista na nasa NKTI na siyang Sentro ng tungkol sa sakit sa Kidney?)
Ang naisip ko naman: Kung ang Tatay kong Enhinyero ay nakakapagdecide ng hiyang na gamot para sa lahat ng uri ng sakit, paano kaya ang pagtanggap ng mga tao sa naimbento kong gamot? Kung ang opinyon ng Pinuno ng mga Espiritista ay iginagalang, igagalang din kaya ang aking opinyon at may mapaniwala kaya ako? Kung ang pagapruba Provincial Health Administrator ng La Union ay mas mahalaga kumpara sa pagbabawal ng espesyalistang taga-National Kidney Transplant Institute, ano nga kaya’t ibulgar ko na ang milagrosong gamot na naimbento ko?
Tama. Timing pa sa pagsali ko sa Sikatchupoy si BURAOT Contest. Ito ang tamang oras. Ito na ang gamot na makakapagbago sa buhay ng lahat ng makakabasa nito:
Sakit / Preparasyon ng Gamot
Sakit: Madalas na Pagmumuta
Preparasyon ng Gamot:
1. Maghanap ng batong makinis.
2. Magdikdik ng dahon ng gumamela. Magdikdik sa sementadong parte ng bahay. Puwede sa sala.
3. Mag-igib ng tubig sa balon. Ihalo ito sa dinikdik na dahon ng gumamela.
4. Ipunin ang katas gamit ang tansan ng Pop Cola.
5. Ilagay ito sa botelya ng Listerine.
6. Gumamit ng dropper at patakan ang mata ng tatlong beses.
7. Siguradong luluha ang mga matang napatakan at mawawala ang pormasyon ng muta sa mata.
8. Pawiin naman ang luha sa pamamagitan ng pagbisita sa anak ni kulapo .
Sakit: Lagnat
Preparasyon ng Gamot:
1. Maghanap ng batong magaspang.
2. Magdikdik ng dahon ng gumamela. Dikdikin ng pino. Huwag namang sobrahan, dapat mapanatili ang istruktura at hugis dahon nito.
3. Haluan ng dahon ng sibuyas. Dikdikin pa.
4. Sige lang dikdik lang ng dikdik.
5. Kapag nagsawa na, itapal ang dinikdik na dahon ng gumamela at sibuyas sa noo ng taong nilalagnat.
Sakit: Sipon
Preparasyon ng Gamot:
1. Gamitin ang nahanap na batong makinis sa sakit number 1.
2. Magdikdik ng dahon ng gumamela. Ihalo ang bulaklak ng gumamela.
3. Dilaan ang bato. Dikdik. Dilaan ulit ang bato. Dikdik.
4. Initin ang kawali. Puwede sa kaserola kung walang kawali.
5. Initin, kaunti pa.
6. Ilagay ang dinikdik na dahon at bulaklak ng gumamela.
7. Hintaying umusok. Masdan ang usok saka singhutin.
8. Ah. Nasa alapaap ka na.
Sakit: Lungkot
Preparasyon ng Gamot:
1. Gamitin ang nahanap na batong magaspang sa sakit number 2.
2. Magdikdik ng dahon ng gumamela. Piliin ang mga dahong kasinglapad ng palad ng lolo mo.
3. Maghanap ng lata ng sardinas sa likod bahay. Ilagay dito ang dinikdik na Dahon ng Gumamela.
4. Kuhanin ang natirang Tide Ultra ng labandera. Silipan ang labandera kung hindi pa siya tapos maglaba.
5. Ihalo ang Tide Ultra sa nadikdik na dahon ng gumamela. Suminok sinok, higupin ang sipon mula ilong papuntang bibig at ibuga sa lata. Haluan ito ng tubig mula sa balon, kung wala kayong balon puwedeng alternatib ang tubig mula sa poso.
6. Haluin.
7. Sige halo pa.
8. Halo lang. Malapit na ang tagumpay.
9. Pumutol ng kaunting alambre mula sa sampayan sa tabi ng bahay malapit sa garahe. Bilugin ang alambre sa gitna, at ipulupot at gawing handle ang magkabilang dulo.
10. Isawsaw ito sa malaput lapot na likidong bunga ng sipag at tiyaga mo.
11. Hipan.
12. Ah. Ang sarap pagmasdan ng bula. Masaya at siguradong wala na ang lungkot na nadarama mo kanina.
Mga Head Hunter ng Baguio City. Hay Land ng Benguet. Lo' land ng Pangasinan. Big brother ng Tarlac
BURAOT
October 22nd, 2008 at 8:57 am
hokey ang entry post mo pare. kakaiba. hehehehe. tenkyu.
Dumadami ang Fetus sa Baguio - May Dede Ako, Pare! | Dakkel, dakkel naman | Philippines
November 27th, 2008 at 3:14 am
[...] ko lang. Puwede sigurong gawing contraceptive ang gamot na naimbento ko. Hehehe. Lalo na sa option 4, sakit:lungkot, kapag walang magawa, imbes na ganoon [...]
Anak ni Kulapo » Alagad ni Kulapo: Gudlak Blakjak!
December 1st, 2008 at 1:21 am
[...] May Dede Ako Pare Manikang Papel Maya-licious Memory Filled Mobile 101 mu.kotsengkuba.com My Chaotic Blog My Colorful World My Own Eden [...]