Dakkel, dakkel naman | Philippines
Nakatayo. May hinihintay. Mukhang extra. Siguro stuntman, o kaya clown.
Dadating ang babae. May tinitignan sa estante. Lilingon. Susulyap sa lalaking pinakamalapit.
“Puwedeng makita ito?”, ang sambit nito saka itinuro ang kasuotang pasyonista.
Nangingiti ang lalaki. Iiral kaya ang abilidad niyang pang-stuntman? O ablidad kaya ng clown?
Iniabot ang ipiniaabot ng babae. May itsura. Oo may itsura.
“Saan ang fitting room?”
Ayos naman. Ang espasyo ng lugar na iyon, ang ilaw na panghotel, ang modernong istilo ng disenyo. Kabisado ba ng lalake ang kinaroroonan niya ngayon?
“Dito po.” Sabay turo sa silid na may mas maliwanag na ilaw sa normal.
Maliwanag nga ba o ito ay batay lang sa mata ng lalake? O dahil epekto na din ng eksaytment at extrang lakas na dulot ng transpormasyon nito galing tao patungong class S na payasong halimaw?
Nagdaan and ilang libong microsecond. Lumitaw ang babae.
“Mukhang makipot”. Titingin sa salamin saka titingin sa lalake. Sulyap na ewan kung talagang normal o may bahid ng kaunting misteryo o siguro may sense ng pagkamalagkit.
Tititig ang lalake sa itinuturo ng babae. Ayos ang hubog ng katawan niya ang sabi ng utak ng lalake. “Bagay sa misteryosang mukha niyang mala-diyosa.” Hindi mapapansin pero napahinto ang lalake at halata ito ng babae.
“Hindi naman.”
“Sa tulad ng…” pormang iikutan ang babae at hihinto sa simula ng pag-ikot. “Sa ganda ng katawan mo, bagay na medyo hapit sa katawan ang ganitong klase ng kasuotan.”
Itutuloy…
*note: Kunyari naisip ko ang kuwentong ito habang naghihintay ako ng sasakyan sa Villasis.
No related posts.
Mga Head Hunter ng Baguio City. Hay Land ng Benguet. Lo' land ng Pangasinan. Big brother ng Tarlac.
Leave a reply