Nabisita ko ang National Bookstore sa amin. Malapit ito sa Penshoppe at tapat ng C.R. Maliit lang ang branch nila dito sa bayan namin. Pero oks naman ang mga libro.

Isa sa mga manunulat na tinatangkilik ko eh si kumpareng John Grisham. Ang tema ng mga aklat niya ay sa mga korte-korte at batas. Sa katunayan parang nakokopya ko kung minsan ang istilo niya sa pagkukuwento.

Ayos din ang mga sinusulat ni Lorenzo Carcatera.

Ayos din ang sumulat ng “Sphere”. Nalimutan ko nga lang ang pangalan niya.

Eh di nakatayo ako sa tapat ng hanay ng mga libro ni kumpareng John Grisham. May dalawa siyang bagong labas na aklat. Iyong isang titulo, isa na lang ang natira. Habang iyong isa naman, libu-libo pa ang kopya. Napaisip ako. Matagal. Matagal na matagal. Tapos biglang lumitaw ang konsenya kong bida sa patalastas ng Safeguard.

Ang ika niya, “iyang titulong iyan ang bilhin mo, tignan mo isa na lang ang natira ibig sabihin, mabili.”

Ang sabi ko naman sa kanya, “baka naman conspiracy iyan, at sinadya nilang gawing isa na lang ang kopya para maisip ng mamimili ang tulad ng iniisip mo.”

Ang sagot niya, “pakinggan mo ang sinasabi ko, sigurado ang mga payo ko. Panoorin mo ang halimbawa ng payo ko sa patalastas, di ba tama ako?”

Ang sagot ko naman, “Taena, it’s hard.”

Hayon inabot ako ng isang siglo doon. Nakatayo sa tapat ng istanteng kinaroroonan ng mga libro ni kumpareng John Grisham. At sa katapusan, hindi din lang ako nakabili kasi biglang nakonsensya ako.

No related posts.