Dakkel, dakkel naman | Philippines
Nagpunta kami sa kapilya. Paminsan-minsan lang nangyayari iyong magpunta kami ulit sa lugar na iyon dahil magkakaiba kami ng relihiyon.
May nabanggit akong, “may maganda sa kapilya”.
Maganda. Tapos.
Hindi naman porke sinabi kong maganda eh tipo ko nang ligawan.
Hayon, tukso ang inabot ko na porke pala nagpupunta ako sa Methodist sa kadahilanang may babaeng rason.
Hindi ako tinigilan. Nagtulong-tulong sila. Hindi tumigil kahit na nagsimula na ang pagsamba.
May programa sa gabing iyon. Siguro sa katoliko, mayroon ding katulad ng ganoon. Parang concert na may mga palabas at kanta.
Hindi ako tinigilan ng tanong na, “saan diyan ang kursunada mo.” Habang concert, patuloy silang nang-aasar. At sa huli, habang kumakanta ang mga bata, tinanong ako ng tatay ko ng “sino diyan ang kursunada mo?”
Anak ng tokwa, ang lakas ng pagkakatanong na kung sinuman ang nakarinig ay aakalaing pedopayl ang nag-uusap.
No related posts.
Mga Head Hunter ng Baguio City. Hay Land ng Benguet. Lo' land ng Pangasinan. Big brother ng Tarlac.
Leave a reply