Highschool. Sa isang school, may taong ordinaryo lang, may tao ding madaling malimutan, may mga taong mahirap kalimutan, may mga taong pang-asar, may mga taong hingahan ng sama ng loob, may mga taong mahalaga, may mga taong wala lang. May mga taong payat na tahimik noon na sakaling magkita kayo ngayon, mas tumahimik pang lalo.

May Muse.

Mataas ang antas at crush ng bayan.

Maputi at matangkad.

Kilala.

Lalong lalo na kung higher year.

Class S ika nga.

Cesar Asar\'s Spot
Cesar Asar’s Favorite Spot

Dito sa mismong spot na ito. Dito iyon. Naglalakad siya. Kasunod ako. Kilala ko kahit nakatalikod ang Muse. Ang prinsesa ng paaralan.

Biglang nagkahimala at humangin. Tumaas ang palda niyang parang sinadyang maikli para sa araw na iyon. At tumambad. Ang ano? Basta ang naalala ko, maputi ang nakita ko. Shape, nice. Size, nice. Overall impact, infinite. Hanggang ngayon nga eh, naaalala ko.

Ako naman ikinuwento ko kina Mark, Winston, Antonio, Marvin L at Marvin M. Coupon bond este bond paper, maputi. Maputing maputi.

Oo na. Oo na. Nakakasama ko si muse mula first year. Higher year siya.

No related posts.