Dakkel, dakkel naman | Philippines
Ang ika ng unang pasyente, Doc, masakit ang ngipin ko. Ano ang dapat kung gawin?
Ang sagot ng dentista, Mag-alay ka ng native na manok sa haring araw pagpatak ng alas singko ng hapon. Tanggal ang sakit ng ngipin mo.
At umuwi ang pasyenteng masaya at kuntento.
Anino ng Dentistang Albularyo
Dumating ang pangalawang pasyente. Matanda, puti na ang buhok at paika-ika. Ang ika niya, Doktor, nagsisilaglagan na ang mga ngipin ko. Ano po ang sakit ko? Ano ang gamot dito?
Nagisip ang kauna-unahang albularyong dentist sa Pangasinan. Ang sagot nito, Mag-alay ka ng 45 days old na native na manok mamayang 3:00. Bilhin mo ang orasyong isinulat ko sa papel na ito at iyong banggitin sa saliw ng kanta ni Mandy Moore.
At umuwi ang pasyenteng maligaya at walang kaproble-prolema.
Kumatok ang pangatlong pasyente. Maganda, sexy at matangkad. Oh bakit, oh bakit, ang ganda ganda ng pasyenteng ire?
Bakit nga ba? O bakit? Ang tanong ko ay bakit?
Ang hiling niya, Doc puwede bang maituwid ang ilan sa ngipin ko?
Nag-isip ang albularyong dentist. Ano nga ba ang dapat kong gawin ang nasa isip niya.
Ah, mag-alay ka ng leghorn na manok sa haring araw, kuhanin ang pinakamahabang balahibo nito at ipitin sa libro ng “Prediksyon sa 2009″. Umasa ka didiretso ang ngipin mo balang araw.
At nagpasalamat ang dalaga, umuwi, ginawa ang sinabi ng dentista at lahat ng tao sa buong mundo ay namuhay nang masaya, mapayapa, nagkakaisa at maraming-maraming pera.
No related posts.
Mga Head Hunter ng Baguio City. Hay Land ng Benguet. Lo' land ng Pangasinan. Big brother ng Tarlac.
Leave a reply