Nakakasama din ang sobrang kuripot kung minsan. Lalo na’t ipinapahalata mo sa lahat ang pagiging kuripot.

Na kahit saan at kahit kailan wala kang patawad sa kakatawad. Malaki ang posibilidad na layuan ka ng mga kakilala mo.

Madalas, ang kalidad ay may katumbas na presyo. Sa pagpapataas ng kalidad, ginugugulan ang isang produkto ng materyales, pagod at abilidad ng gumagawa. Kapag mura at tinipid ang materyales, husto kaya ang kalidad nito? Kapag hindi pinagpaguran ang isang bagay, husto kaya ang kalidad nito? Kung hindi binayaran ang gumagawa ng produkto, bubuhusan niya kaya ang isang produkto ng kanyang abilidad?

Sa doctor na lang. Halimbawa ipapatingin ng pasyente kung ano ang sakit na dumapo sa kanya. At ayaw gumastos ng pasyente. Paano kung may lab tests na kailangan? At ayaw gastusan ng pasyente ang mga nasabing tests. Magiging accurate kaya ang pagsusuri ng doctor sa sakit ng pasyente?

Kadalasan kung sino ang mayaman, siya pa itong sobra kung tumawad. Na halos ang gusto niya’y magkawanggawa na lang ang nagseserbisyo sa kanya. Na ang tingin niya sa tao ay pinagkakakuwartahan siya.

Hindi na tuloy naiioffer sa pasyente ang mas karapat dapat na kalutasan sa problema nito. Mangingimi ang taong sabihin sa pasyente ang isang bagay dahil alam naman niyang magsasayang lang siya ng laway at wala siyang mapapala dito.

Madalas mo ding madidinig ang “ipinunta na sa lahat ng doctor, hindi nila malaman ang sakit.”

Hindi nila malaman ang sakit hindi dahil sa kabobohan kundi dahil sa ayaw gumastos ng pasyente sa urinalysis, blood test at iba pa.

Mahirap ang buhay ngayon. Oo lahat apektado ng kahirapan. Ngunit sana naman, huwag nating sobrahan ang kakatawad. Sa level na extreme.

Sa madaling salita.

Bad trip. Tawad ng tawad ang pasyente ko kanina; hindi ko na tuloy naipaliwanag ang iba pang option na nararapat sa kanya. Ang gusto niya, ako pa mag-abono at magkawanggawa. Sa materyales na lang abonado na ako, paano pa ang bayad sa pagod ko?

Nauwi ang lahat sa sinabi kong “Tagalan mo sa brushing para magimprove ang health ng gums mo.” Iyon na ang pinakamurang solusyon at tapat sa presyong gusto niya. Libre.

Siyangaps, ang hula ko magchachampion ang Cleveland Cavaliers. Kung hindi Cleveland, Lakers. Muntik na noong isang season makalusot ang Cleveland. Ngayong season lalo pa silang nag-improve.

Kita sa laro nila kaya nilang tapatan ang Boston at Orlando.

Ang Lakers naman, punong-puno ng talent. At sigurado malaking disappointment kung hindi sila magchachampion ngayong season na ito.

Saka natanong ko si Madam Auringring, ang bulong niya Lakers vs Cavaliers daw ang maglalaban sa Finals. Sure daw. Aprubado pa ni Madam Bola at Pong Pagong.

No related posts.