Dakkel, dakkel naman | Philippines
May papel o notebook ako lagi. Para maisulat ko kung sakaling may maisip akong idea. Iba na ang handa.
Malay mo makaimbento o makapag-isip ako ng bagay na kakaiba. Super kakaiba na makapagpapabago sa mundo.
Nabisita ko na nga pala ang nakumpleto nang CB Mall sa Urdaneta, Pangasinan. Madami pang mga puwesto ang bakante. Sa tingin ko hindi nila mapupuno ng uupa. Siyempre bago sila kukuha ng puwesto doon, uunahin nila sa SM City sa Rosales Pangasinan. Malaki talagang kompetisyon sa kanila ang pagbubukas ng SM.
Kakaunti ang mamimimili noong pumunta ako doon. Kung kaunti ang tao sa SM, mas kaunti pa ang tao sa CB Mall.
Ramdam na ang krisis na pinansyal dito sa Philippines. Kahit dito sa Pangasinan, apektado na ang mga neegosyo. Kahit sa dental, maliit ang kita. Sa hirap ng tao, inihuhuli na nila ang dental health.
Madami ang natatanggal ng manggagawang Filipino sa trabaho sa ibang bansa. Paano na kaya ang libu-libong mga bagong nurse?
Siyangaps, nanunuod ka ba ng Fox News? Napansin mo ba na ang mga programa nila eh nakasentro para kontrathin ang mga Democrat? Doon lang umiikot ang halos lahat ng programa nila.
Panoorin mo, at malalaman mong hindi lang pala sa Pilipinas nangyayari ang kontrahang matitindi. Na kahit anong mungkahi, mabuti man o masama eh kokontrahin.
Siyangaps ulit. Natapos na ng kapatid kong physician ang kanyang pagpapakadalubhasa sa Radiology. Diplomate na isusunod niya. Siyempre hindi siya nanlibre.
O hanggang dito na lang ulit. Next time na lang ang joke kapag nakapag-isip ako ng bago.
No related posts.
Mga Head Hunter ng Baguio City. Hay Land ng Benguet. Lo' land ng Pangasinan. Big brother ng Tarlac.
Leave a reply