Nagpa-x-ray ako sa Quirino Medical Center. Okay naman ang resulta. Gusto ko sanang piture-an o kaya iuwi. Iyon nga lang hindi ko din naiuwi. Iwan ko na lang daw sabi ng kapatid kong Radiologist.

Hirap din kapag tumatanda na. May mga sumasakit. Paano na lang kung umabot na ako ng kuwarenta o singkuwenta?

Siyempre nga pala, wala pa rin ang resulta ng nursing exam. Kung wala pa mamaya siguro late february na. O siguro sa Marso. 89 libo ang kumuha, hirap i-check noon. Kahit sabihing computer iyong gumawa.

May breast feeding station sa amin. Bigla akong pumasok sa station. Bigla ko ding hinila iyong nagbabantay na nurse. Akina! ang ika ko. Akina at dedede ako! Bilis. Tinanggal ko ang bra niya at sinapo ko ang kanyang dede. Piniga-piga ko. Mmmm. Hmmmm. Siyempre joke lang. Hehehe.

Mukhang pinapahirapan na nila ang renewal ng business permit dito sa Pangasinan. Madaming kalokohang hinahanap. O siguro pinapahirapan nila para mag”lagay” ang mga nagrerenew. Ang masama pa nito hiwahiwalay kong umabsent sila. Imbes na macheck at mapirmahan, dahil sa absent ang tao hindi ito matapos-tapos. Pagbalik mo kinabukasan, ibang kalokohan na naman ang hinahanap.

Ito na siguro ang kapalit ng kaunlaran.

Kung sana nga lang. Kung sana nga lang. Baka mapilitan akong kumandidato at lumaban para sa posisyon. O siguro suportahan ang kalaban nila sa susunod na eleksyon.

Madaming problema kapag lumaban ka sa eleksyon. Isa diyan pera. Sa mababang posisyon, malaki ang gagastusin mo. Pero sigurado namang mababawi mo ang ginastos mo kapag nanalo ka. Isa din sa magiging problema eh dadami ang kaaway mo. Mga kaaway, lalo na iyong mga matatanda at matagal na sa pulitika.

Si Ted Failon nga eh umayaw sa pulitika.

Olrayt, baka kung saan na mapunta itong post ko. Neks taym ulit. Parehong oras at tsanel.

No related posts.