Dakkel, dakkel naman | Philippines
Matapos ang tatlong buwang paghihintay, lumabas na ang November 2008 nursing board exam results. Taga highland ng Baguio ang nagtop. Babaeng highlander. Ang ika nga ng kapatid ko, “Ala eh, kapag tagahighland talaga laging nasa top. Hehehe.” Madami pa’ng ibang tagahighland na nasa top 10.
Medyo minalas ang girlfriend ng kapatid ko at hindi pumasa. Papaalis pa naman siya patungong Netherlands.
Andaming kumuha ng exam, 89 K. Halos 40 K naman ang pumasa. Kawawa naman ang mga minalas. Imagine-in mo na lang ang pera at effort na ibinuhos nila sa eksaminasyon. At tatlong buwan din silang nagdusa sa paghihintay at malalaman lang nila sa dulo na bagsak pala sila.
Hindi ako magtataka kung dumami ang insidente ng pagpapatiwakal sa mga darating na araw. Lalo na sa mga nageksam na halos mabaliw na sa pagrereview.
At para sa mga pumasa sa nurse board exam, sana manlibre kayo. Mura lang ang burjer sa Jabi.
No related posts.
Mga Head Hunter ng Baguio City. Hay Land ng Benguet. Lo' land ng Pangasinan. Big brother ng Tarlac.
jeniffer
February 20th, 2009 at 4:33 pm
haha, oo nga pagkatapos ng pagtunganga ko sa harap ng computer na mahigit ilang buwan. isa na akong ganap na nurse ng Pilipinas!! yes!!! salamat talaga sa maykapal! at sa mga suporta.. grabe, kung alam mo lang yun talon ko ng makita ko pangalan ko, ang nasigaw ko lang “thank you lord!!! RN Naku!! 1st take! yeheey!!!” hahaha.. at umiyak ako.. wala lang pampa ganda lang ng eksena hahaha.., magpapainom ako! message na lang kita dok! kapag maghahanda si mother..
oo nga nalungkot din ako sa iba kong kasamahan at kabatch na di pumasa.. sabi nga nila panapanahon lang yun.. pero wag naman sana magpakatiwakal dba? bad yun.. basta go lang! and soar high!!
SALAMAT SA GREETINGS!!!
PM
February 21st, 2009 at 11:06 pm
masarap pumasa lalo na at isang milyong aberya ang pinagdaanan bago pumasa. salamat ng marami sa diyos! at congrats sa lahat ng pumasa! kita-kita na lang sa oath taking, weeeeeee!
Dr.Orly
March 1st, 2009 at 3:07 am
@ jeniffer and pmrn
Hintay ko ang paburjer ha? Hehehe