Naranasan mo na ba ito? Nakatingin ka sa kawalan. Biglang may musika kang madidinig. Sa sobrang lungkot ng musika, itatanong mo sa sarili mo: Magbigti na kaya ako?

O kaya nasa gitna ka ng kalsada’t papatawid, bigla kang makakaisip ng napakainam na ideya. Tapos pagkatawid mo biglang nalimutan mo na.

O siguro nagbrabrowse ka ng mga website at natanong mo ang sarili mo: Bakit ako nagblablog?

Ba. Bakit nga ba?

Noong simula walang rason. Teka. Hindi ko din sigurado.

Nagblablog lang ako. Tapos nakakakuha ako ng mga materyal na bagay na tulad nito:

Ibabaw - Hita, Tatak Asul H Uno
Ibabaw - Hita, Tatak Asul H Uno

Madami pa. Puro materyal na bagay.

Nagkaroon din ako ng mga kaibigan. Kaibigan na hindi nila ako kilala, at hindi ko din alam ang pangalan nila pero alam namin ang wesbite ng isa’t isa.

Bakit ako nagblablog?

Noong umalis ako sa pinagtratrabahuhan ko bilang web developer sa Makats binili ko ang 1st .ph domain name ko. Tapos ginawa ko simpleng HTML page lang na parang notebook. Pero hindi ko sigurado kung maikukunosiderang blog iyon.

Web design portal ang uso noon. Blog din ba iyon? Iyong gagawa ka ng news tungkol sa isang napakagandang website.

Bakit nga ba ako nagblablog?

Hindi ko na siguro alam magweb design kaya hanggang blog na lang.

Hindi naman.

Ang ultimate na sagot alam mo? Nagblablog ako kasi blogger ako.

No related posts.