Dakkel, dakkel naman | Philippines
Napansin ko lang. Paweird ng paweird ang google. At dahil sa kaweirduhan niya, kaya dumalang ang post ko.
Buti pa ang yahoo. Nasa ayos pa.
Higante ang google. Na kahit anong gawin nila, ang tao ang dapat makibagay. Pero ayos naman ang google sa pangkalahatan.
Ang isa sa flaw na napansin ko. May website akong .ph . May ginawa akong page. Pinagtiyagaan kong itype. Inayos ko ang format. Tapos pinost ko. Ilang araw mataas ang ranking. Pero biglang nawala sa 1st page ng google ang website. Buwan ang nagdaan, biglang lumitaw. Alam mo kung bakit nawala? Ginaya yung page na ginawa ko; ng isang sikat na website na kapareho ng tema ng website ko. Ginaya ng isang sikat na website ang format, ang html, table at kahit nga capitalization ng mga salita sa unang tr at td ng table ng webpage na ginawa ko. Kahit iyong idea ng page, kinuha. Kaya ang akala ng tao siya ang orig. Ang akala ng google siya ang orig. Kasi sikat siya sa pamantayan ng google.
Sana man lang sa minsan, kahit sana ibahin ang HTML. Kung gagayahin, kahit sana yung formatting baguhin. Para naman huwag mapenalize iyong website kong gagayahin. Huwag iyong saktong sakto na kopyahan, na kumbaga pati pangalan at apelyido sa test paper eh kokopyahin.
Alam ko namang binabasa niya ang blog ko.
Hindi halata pero madaming ideya na mapupulot dito.
Siyanga pala, ask at live ang iba pang search engine. Pero sino naman kaya ang gumagamit niyan?
Dito sa amin sa Pangasinan. Sabihin mo google. Itatanong sa iyo, “Ano iyon?” Sabihin mo yahoo. Itatanong sa iyo, “O bakit ka napayahoo?” Sabihin mo friendster, itatanong sa iyo, “Anong email mo? Invite kita ha?”
Nga naman. Ano ang gamit ng search engine sa mga taong hindi naman naghahanap o walang hinahanap.
Friendster. Siyangaps, may natuklasan ako tungkol sa friendster. Kaya gumawa ako ng Dental Dentistry account para sa mga dentist o dental na topic. Siyempre lokal ang tema niyan kung dentistry ang pag-uusapan.
Siyangaps ulit, nabili ko na ang latest issue ng FHM. Okay naman kahit kulang sa inaasahan ko.
Napansin ko nga din pala. Parang rant ang topic. Hehehe.
Ayos lang iyan brad, basta next time huwag masyadong parehong pareho na parang clone na.
Related posts:
Mga Head Hunter ng Baguio City. Hay Land ng Benguet. Lo' land ng Pangasinan. Big brother ng Tarlac.
Leave a reply