Congrats sa mga pumasa sa Bar Exam. Iyan na yata ang pinakamahirap na exam sa lahat ng exam sa Pilipinas. Kaya sana man lang magpaburjer ang dapat magpaburjer.

Matagal din akong hindi nakapagblog. Pero lagi akong nag-oonline. Hindi lang ako nag-aaupdate.

Nagtaas ng fee ang webhost ng website ko. Mukhang apektado din ng financial crisis ang rapidvps. Pero masakit man sa bulsa eh ok na din kumpara sa kalidad ng customer support nila.

May natutunan ako. Dapat tsinicheck mo din ang website mo 6 hours pagkatapos mong magpost. Lalo na’t adsense publisher ka. Kasi minsan tsumatsamba na makapagpost ka ng banned words. Ang resulta, blangko ang ads ng website.

Isa sa pinaka-okay na company ang Google. Madaming Pinoy ang kumikita sa Google. Ang masama nito, apektado din sila ng crisis. Sana lang, hindi sila matuluyang malugi.

No related posts.