Siksikan na naman at deadline ng pagbayad ng tax dito sa Pinas. Wohoo, ang hirap. Lalo na’t late magpakita ng accountant namin.

Wala daw extension. Sabi ng BIR dito sa amin.

Sa bangko ganoon din. Siksikan.

Isa nga palang papuri kay Dr. Richard Hizon. Isang Nephrologist sa NKTI. Isa siyang magaling na dalubhasa sa sakit sa bato.

Inutusan nga pala ako ng ate ko na huwag nang magbanggit ng Hospital. Kasi dito sa bagong Hospital na kinaroroonan niya eh mga medyo bigating tao ang pasyente at baka daw makabanggit ako ng pangalan. Kahit hindi pa naman ako nakakapagpost ng mga pangalan ng tao eh susundin ko na rin at hindi na ako magbabanggit ng pangalan ng Hospital.

Last na ipopost ko ang pangalan ng NKTI. Ang NKTI na pinatayo ng mga Marcos na siyang isa sa mga may pinakamalaking pakinabang sa mga Filipino ngayon. Masama man ang tingin ng karamihan sa Pinoy ngayon kay Marcos, hindi mo rin maitatanggi na madami silang naipatayong istrukturang kapakipakinabang.

No related posts.