Maligayang araw ng mga puso.

Matagal na itong blog ko. Hehehe! Kakatuwa.

14 na bukas. Kung ako tatanungin mo, in-love ako. Hohohoho! Mukhang nakita ko na siya.

Dami na ding bagay ang nangyari.

Ito ako ngayon. Nangyari na yun ginusto kong mangyari. Makapag-aral ulit.

Madami akong ginustong baguhin. Ang sabi ko lang bigyan ako ng pagkakataon. Dumating ang pagkakataon. May mga bagay talagang hindi mo kayang baguhin kahit binigyan ka ulit ng pagkakataon.

Pero sa ngayon. Sana. Siya na. Bukas 14 na. Sana maging maayos ang lahat. Sana pareho kami ng nararamdaman sa isa’t isa.

Noon, may pinagdadasalan ako sa school. Madami ang pinagdasal ko doon na natupad. Tulad na lang itong pag-aaral ko. Pinagdasal ko doon. Kaya ako balik ng balik doon. At dahil sa lugar na din na iyon, nararamdaman ko ang kapayapaan. Ngayon alam mo ang isa sa pinagdadasal ko sa Kanya? Na sana itong babaeng minamahal ko ngayon, ay siya na sanang makasama ko sa habang buhay.

Ikukuwento ko na din. Na dati akong atheist. Na dati akong aktibista. Isinapuso ko ang pagsunod sa isang ideology. Tumalikod sa Diyos. Pero alam mo, wala namang masama kung maniniwala ka. Wala naman mawawala sa iyo. Mas mabuting maniwala ka sa meron kaysa maniwala kang wala.

O well, biglang bumigat ang direksyon ng post noh? Hehehe!

O siya siya!

No related posts.