Dakkel, dakkel naman | Philippines
Siksikan na naman at deadline ng pagbayad ng tax dito sa Pinas. Wohoo, ang hirap. Lalo na’t late magpakita ng accountant namin.
Wala daw extension. Sabi ng BIR dito sa amin.
Naranasan mo na ba ito? Nakatingin ka sa kawalan. Biglang may musika kang madidinig. Sa sobrang lungkot ng musika, itatanong mo sa sarili mo: Magbigti na kaya ako?
O kaya nasa gitna ka ng kalsada’t papatawid, bigla kang makakaisip ng napakainam na ideya. Tapos pagkatawid mo biglang nalimutan mo na.
O siguro nagbrabrowse ka ng mga [...]
Nagpa-x-ray ako sa Quirino Medical Center. Okay naman ang resulta. Gusto ko sanang piture-an o kaya iuwi. Iyon nga lang hindi ko din naiuwi. Iwan ko na lang daw sabi ng kapatid kong Radiologist.
Hirap din kapag tumatanda na. May mga sumasakit. Paano na lang kung umabot na ako ng kuwarenta o singkuwenta?
May papel o notebook ako lagi. Para maisulat ko kung sakaling may maisip akong idea. Iba na ang handa.
Malay mo makaimbento o makapag-isip ako ng bagay na kakaiba. Super kakaiba na makapagpapabago sa mundo.
Nakakasama din ang sobrang kuripot kung minsan. Lalo na’t ipinapahalata mo sa lahat ang pagiging kuripot.
Na kahit saan at kahit kailan wala kang patawad sa kakatawad. Malaki ang posibilidad na layuan ka ng mga kakilala mo.
Madalas, ang kalidad ay may katumbas na presyo. Sa pagpapataas ng kalidad, ginugugulan ang isang produkto ng materyales, pagod at [...]
Hindi niyo ba napapansin? Hindi niyo pa ba alam?
10 milyong taon pa daw bago irelease ang resulta ng nursing board exam. Daming nag-aabang ng resulta.
Siguro sa February pa lilitaw.
Siyempre may kuwento dapat. Ang kuwento ko ngayon ay tungkol sa Doctor.
Minsan nakasakay ako sa jeep. Napadaan ito sa hospital. Nagkomento ang drayber. Mga buwaya [...]
Parang nilalangaw na ang SM dito sa Pangasinan. Madaming rason. Siguro dahil sa oras ng pagpunta ko eh nataong kakaunti ang tao. Siguro dahil sa global crisis. Siguro dahil mahirap sumakay kaya natatakot ang mga mamimiling pumunta ng SM.
Pahirapan na kasi ang pagsakay dito sa amin. Disiplina daw ang kailangan at masasanay din daw ang [...]
Nakatayo. May hinihintay. Mukhang extra. Siguro stuntman, o kaya clown.
Dadating ang babae. May tinitignan sa estante. Lilingon. Susulyap sa lalaking pinakamalapit.
“Puwedeng makita ito?”, ang sambit nito saka itinuro ang kasuotang pasyonista.
Nangingiti ang lalaki. Iiral kaya ang abilidad niyang pang-stuntman? O ablidad kaya ng clown?
Noong November 27 ang blessing at soft opening ng SM City Rosales. Umattend ang may-ari ng mga SM mall, ang mga kagalang-galang na Sy. Kasama sina Katrina Halili at mga beauty title holders. Nandoon din ang mga representative ng ilang bayan sa Pangasinan, congressman ng 6th district si Cong. C. Estrella at kapatid nitong si [...]
Ang recipe sa umagang ito ay Nilagang Hotdog na Manok. Mainam itong iluto habang nakikinig ng kanta ni Mandy Moore. Lalo na’t araw ng Linggo.
Rekado
hotdog
tubig
Direksyon
1. Huwag punasan ang kalan ng isang linggo. Hintaying magkaroon ng tae ng daga ang gilid gilid ng kalan. Ang aroma nito ay makakadagdag ng kaunting lasa sa hotdog na ilalaga.
2. [...]
Mga Head Hunter ng Baguio City. Hay Land ng Benguet. Lo' land ng Pangasinan. Big brother ng Tarlac.
Recent Comments