Bakit ba Ako Nagblablog?

27 Feb 2009 In: Mariang Palad at Sarili

Naranasan mo na ba ito? Nakatingin ka sa kawalan. Biglang may musika kang madidinig. Sa sobrang lungkot ng musika, itatanong mo sa sarili mo: Magbigti na kaya ako?

O kaya nasa gitna ka ng kalsada’t papatawid, bigla kang makakaisip ng napakainam na ideya. Tapos pagkatawid mo biglang nalimutan mo na.

O siguro nagbrabrowse ka ng mga website at natanong mo ang sarili mo: Bakit ako nagblablog?

Ba. Bakit nga ba?

Noong simula walang rason. Teka. Hindi ko din sigurado.

Nagblablog lang ako. Tapos nakakakuha ako ng mga materyal na bagay na tulad nito:

Ibabaw - Hita, Tatak Asul H Uno
Ibabaw - Hita, Tatak Asul H Uno
Read the rest of this entry »

Nursing Passers November 2008

20 Feb 2009 In: Resulta ng Board Exam

Matapos ang tatlong buwang paghihintay, lumabas na ang November 2008 nursing board exam results. Taga highland ng Baguio ang nagtop. Babaeng highlander. Ang ika nga ng kapatid ko, “Ala eh, kapag tagahighland talaga laging nasa top. Hehehe.” Madami pa’ng ibang tagahighland na nasa top 10.
Read the rest of this entry »

Happy Valentines Daw

14 Feb 2009 In: Mga Pare at Mare

Araw daw ng puso. Ang sabi ko daw, eh Happy Valentines. Sana ay mas maraming putukan pa ang inyong malasap. Sana ay mas maraming bata pa ang mabuo.

Hugis Puso, gawa sa puto ng Calasiao, Pangasinan

Hugis Puso, gawa sa puto ng Calasiao, Pangasinan
Read the rest of this entry »

Istorya ng Isang Nurse

10 Feb 2009 In: Lab Istori-Love Story, Pamilya

Ang kuwentong ito ay ikinuwento lang ng kapatid kong nurse. Kuwento ito sa Baguio. Ilocano ang lengguwahe kaya nilagyan ko ng translation sa Filipino.

Mas marubdob ang kuwentong ito kung babasahin mo sa tonong ilocano ng taga-Benguet o Baguio. Pero kung taga-Pangasinan o Tarlac ka at matigas ang ilocano mo eh puwede na din.
Read the rest of this entry »

Nagpa-x-ray ako sa Quirino Medical Center. Okay naman ang resulta. Gusto ko sanang piture-an o kaya iuwi. Iyon nga lang hindi ko din naiuwi. Iwan ko na lang daw sabi ng kapatid kong Radiologist.

Hirap din kapag tumatanda na. May mga sumasakit. Paano na lang kung umabot na ako ng kuwarenta o singkuwenta?
Read the rest of this entry »

May papel o notebook ako lagi. Para maisulat ko kung sakaling may maisip akong idea. Iba na ang handa.

Malay mo makaimbento o makapag-isip ako ng bagay na kakaiba. Super kakaiba na makapagpapabago sa mundo.
Read the rest of this entry »

Super Kuripot

30 Jan 2009 In: Dentist-Dental-PDA, Mariang Palad at Sarili

Nakakasama din ang sobrang kuripot kung minsan. Lalo na’t ipinapahalata mo sa lahat ang pagiging kuripot.

Na kahit saan at kahit kailan wala kang patawad sa kakatawad. Malaki ang posibilidad na layuan ka ng mga kakilala mo.

Madalas, ang kalidad ay may katumbas na presyo. Sa pagpapataas ng kalidad, ginugugulan ang isang produkto ng materyales, pagod at abilidad ng gumagawa. Kapag mura at tinipid ang materyales, husto kaya ang kalidad nito? Kapag hindi pinagpaguran ang isang bagay, husto kaya ang kalidad nito? Kung hindi binayaran ang gumagawa ng produkto, bubuhusan niya kaya ang isang produkto ng kanyang abilidad?
Read the rest of this entry »

Sampung Milyong Taon

28 Jan 2009 In: Mariang Palad at Sarili

Hindi niyo ba napapansin? Hindi niyo pa ba alam?

10 milyong taon pa daw bago irelease ang resulta ng nursing board exam. Daming nag-aabang ng resulta.

Siguro sa February pa lilitaw.

Siyempre may kuwento dapat. Ang kuwento ko ngayon ay tungkol sa Doctor.

Minsan nakasakay ako sa jeep. Napadaan ito sa hospital. Nagkomento ang drayber. Mga buwaya daw ang mga doctor. Mga sakim daw sa pera. Napakamahal daw maningil.
Read the rest of this entry »

Albularyong Dentist sa Pangasinan

22 Jan 2009 In: Dentist-Dental-PDA

Ang ika ng unang pasyente, Doc, masakit ang ngipin ko. Ano ang dapat kung gawin?

Ang sagot ng dentista, Mag-alay ka ng native na manok sa haring araw pagpatak ng alas singko ng hapon. Tanggal ang sakit ng ngipin mo.

At umuwi ang pasyenteng masaya at kuntento.

anino ng dentistang albularyo

Anino ng Dentistang Albularyo

Dumating ang pangalawang pasyente. Matanda, puti na ang buhok at paika-ika. Ang ika niya, Doktor, nagsisilaglagan na ang mga ngipin ko. Ano po ang sakit ko? Ano ang gamot dito?
Read the rest of this entry »

Si Darna at ang SM

18 Jan 2009 In: Mariang Palad at Sarili

Parang nilalangaw na ang SM dito sa Pangasinan. Madaming rason. Siguro dahil sa oras ng pagpunta ko eh nataong kakaunti ang tao. Siguro dahil sa global crisis. Siguro dahil mahirap sumakay kaya natatakot ang mga mamimiling pumunta ng SM.

SM City

Pahirapan na kasi ang pagsakay dito sa amin. Disiplina daw ang kailangan at masasanay din daw ang mga mamamayan. Mahirap iyang sabihin sa mga matatandang hirap nang maglakad ng malayo para lang makasakay.
Read the rest of this entry »

Kakaiba 'to, Pre

Mga Head Hunter ng Baguio City. Hay Land ng Benguet. Lo' land ng Pangasinan. Big brother ng Tarlac.


Pages