May papel o notebook ako lagi. Para maisulat ko kung sakaling may maisip akong idea. Iba na ang handa.

Malay mo makaimbento o makapag-isip ako ng bagay na kakaiba. Super kakaiba na makapagpapabago sa mundo.
Read the rest of this entry »

Super Kuripot

30 Jan 2009 In: Dentist-Dental-PDA, Mariang Palad at Sarili

Nakakasama din ang sobrang kuripot kung minsan. Lalo na’t ipinapahalata mo sa lahat ang pagiging kuripot.

Na kahit saan at kahit kailan wala kang patawad sa kakatawad. Malaki ang posibilidad na layuan ka ng mga kakilala mo.

Madalas, ang kalidad ay may katumbas na presyo. Sa pagpapataas ng kalidad, ginugugulan ang isang produkto ng materyales, pagod at abilidad ng gumagawa. Kapag mura at tinipid ang materyales, husto kaya ang kalidad nito? Kapag hindi pinagpaguran ang isang bagay, husto kaya ang kalidad nito? Kung hindi binayaran ang gumagawa ng produkto, bubuhusan niya kaya ang isang produkto ng kanyang abilidad?
Read the rest of this entry »

Sampung Milyong Taon

28 Jan 2009 In: Mariang Palad at Sarili

Hindi niyo ba napapansin? Hindi niyo pa ba alam?

10 milyong taon pa daw bago irelease ang resulta ng nursing board exam. Daming nag-aabang ng resulta.

Siguro sa February pa lilitaw.

Siyempre may kuwento dapat. Ang kuwento ko ngayon ay tungkol sa Doctor.

Minsan nakasakay ako sa jeep. Napadaan ito sa hospital. Nagkomento ang drayber. Mga buwaya daw ang mga doctor. Mga sakim daw sa pera. Napakamahal daw maningil.
Read the rest of this entry »

Albularyong Dentist sa Pangasinan

22 Jan 2009 In: Dentist-Dental-PDA

Ang ika ng unang pasyente, Doc, masakit ang ngipin ko. Ano ang dapat kung gawin?

Ang sagot ng dentista, Mag-alay ka ng native na manok sa haring araw pagpatak ng alas singko ng hapon. Tanggal ang sakit ng ngipin mo.

At umuwi ang pasyenteng masaya at kuntento.

anino ng dentistang albularyo

Anino ng Dentistang Albularyo

Dumating ang pangalawang pasyente. Matanda, puti na ang buhok at paika-ika. Ang ika niya, Doktor, nagsisilaglagan na ang mga ngipin ko. Ano po ang sakit ko? Ano ang gamot dito?
Read the rest of this entry »

Si Darna at ang SM

18 Jan 2009 In: Mariang Palad at Sarili

Parang nilalangaw na ang SM dito sa Pangasinan. Madaming rason. Siguro dahil sa oras ng pagpunta ko eh nataong kakaunti ang tao. Siguro dahil sa global crisis. Siguro dahil mahirap sumakay kaya natatakot ang mga mamimiling pumunta ng SM.

SM City

Pahirapan na kasi ang pagsakay dito sa amin. Disiplina daw ang kailangan at masasanay din daw ang mga mamamayan. Mahirap iyang sabihin sa mga matatandang hirap nang maglakad ng malayo para lang makasakay.
Read the rest of this entry »

Cesar Asar – Dentist

12 Jan 2009 In: Dentist-Dental-PDA, Paaralan

Highschool. Sa isang school, may taong ordinaryo lang, may tao ding madaling malimutan, may mga taong mahirap kalimutan, may mga taong pang-asar, may mga taong hingahan ng sama ng loob, may mga taong mahalaga, may mga taong wala lang. May mga taong payat na tahimik noon na sakaling magkita kayo ngayon, mas tumahimik pang lalo.

May Muse.

Mataas ang antas at crush ng bayan.

Maputi at matangkad.

Kilala.

Lalong lalo na kung higher year.

Class S ika nga.

Cesar Asar\'s Spot
Cesar Asar’s Favorite Spot

Dito sa mismong spot na ito. Dito iyon. Naglalakad siya. Kasunod ako. Kilala ko kahit nakatalikod ang Muse. Ang prinsesa ng paaralan.
Read the rest of this entry »

Walang Puso ang Saging

10 Jan 2009 In: Pamilya

Nagpunta kami sa kapilya. Paminsan-minsan lang nangyayari iyong magpunta kami ulit sa lugar na iyon dahil magkakaiba kami ng relihiyon.

May nabanggit akong, “may maganda sa kapilya”.

Maganda. Tapos.

Hindi naman porke sinabi kong maganda eh tipo ko nang ligawan.

Hayon, tukso ang inabot ko na porke pala nagpupunta ako sa Methodist sa kadahilanang may babaeng rason.
Read the rest of this entry »

Mapapa-it’s Hard ka sa Sarap

5 Jan 2009 In: Book

Nabisita ko ang National Bookstore sa amin. Malapit ito sa Penshoppe at tapat ng C.R. Maliit lang ang branch nila dito sa bayan namin. Pero oks naman ang mga libro.

Isa sa mga manunulat na tinatangkilik ko eh si kumpareng John Grisham. Ang tema ng mga aklat niya ay sa mga korte-korte at batas. Sa katunayan parang nakokopya ko kung minsan ang istilo niya sa pagkukuwento.
Read the rest of this entry »

Nars Kasama ng Doktor

2 Jan 2009 In: Pamilya

Uy. Ang ika sa Nurse exam results site, bago January 25 daw lalabas. Naks. Malapit na. Mukhang may magbloblow-out. Okay na sa akin sa Tokyo Tokyo o kaya sa Max.

Bangong taon. Amoy paputok.

Ito na nga ba ang kuwentong mala-wrestler? Parang walang direksyon? O walang topic?

Siguro dagdagan natin ng “i gonna smash your head with this steel ladder right here right now!” para mala WWE wrestler.

Kailangan ko lang siguro ng kape. Para magkaroon ng tunog o kaya sense ng kaseryosohan ang pagblablog ko ngayon.

Mainit na kape. Ang ika nga ng lolo ko “Apo, apo, mainit dito. Puro apoy.” Ganoon kainit.

Bakit nga kaya ang Friendster Blog, ganoon pa din. Ang hirap magpost. Walang pagbabago.

O hayan. Dito magtatapos ang 1st post na mababasa mo dito na gawa ng isang sinapian ng kaluluwa ng isang Wrestler.

Bangong Taon

1 Jan 2009 In: maydedeakopare.com

Maligayang bagong tao sa inyo mge reps. Wohoo. 2009 na. Syet.

Ang google ganoon pa din. Parang mga adik. Ginawang zero ang pagerank ng maydede. Para namang may ads itong website na ito.

Ang mga spammer ganoon pa din. Parang mas adik pa sa google. Kita nang zero ang pagerank, spam pa din ng spam.

Ang ika ko nga minsan sa chic sa SM City Rosales. “Sa ganda mong iyan, hindi ka nababagay magwork sa shop na ito. Kapag ako nagkaroon ng GF na tulad mo hindi ko siya hahayaan dito.”

Oy, halimbawa iyan ng hirit na pamatay. Subukan mo iyan sa unang makikita o makakausap mo sa araw na ito at siguradong susuwertihin ka sa pag-ibig. Kahit magpahula ka pa sa idol kong si Madam Auring. Isama mo pa si Bishop Estojero.

Siyempre binabawan ko lang istilo ng post na ito. Kasi ang sabi ng kaibigan ko, “huwag mo ika masyadong laliman ang paggawa mo ng post baka mainlab ako sa iyo.”

O siya, siya. Hanggang dito na lang muna. Mabangong taon sa inyong lahat.

Kakaiba 'to, Pre

Mga Head Hunter ng Baguio City. Hay Land ng Benguet. Lo' land ng Pangasinan. Big brother ng Tarlac.


Pages

 

February 2012
M T W T F S S
« Jan    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
272829