Dakkel, dakkel naman | Philippines
Kakatapos lang ng Sikatchupoy Contest. Isa ako sa mga alagad ni kulapo. Find my entry under M as in Empoy. Nyok nyok nyok.
Basahin din ninyo ang ibang entry. Isang entry each day. At sigurado gaganahan kayo sa pang-araw-araw na pamumuhay ninyo. Tapos sabayan niyo ng patugtog ng mga kanta ni Mandy Moore at Prince.
Sabayan niyo na din pala ng corn bits. Tapos suka. At siyempre hindi dapat mawala ang SMB.
Noong November 27 ang blessing at soft opening ng SM City Rosales. Umattend ang may-ari ng mga SM mall, ang mga kagalang-galang na Sy. Kasama sina Katrina Halili at mga beauty title holders. Nandoon din ang mga representative ng ilang bayan sa Pangasinan, congressman ng 6th district si Cong. C. Estrella at kapatid nitong si Cong. R. Estrella, at siyempre ang mga opisyales ng Rosales sa pangunguna ni Mayor Revita.
Noong November 28 naman nagbukas ang SM City Rosales sa publiko. Madami ang pumunta dito. Nagmistulang ghost town ang poblacion at halos tumungo ang lahat sa SM.
Madami ding ang galing pa sa mga katabing bayan tulad ng Villasis, Alcala, Balungao, Umingan, Bayambang at Urdaneta. Madami din ang galing pa sa katabing probinsya, ang Tarlac.
Nandoong bukas ang National Bookstore, Tokyo Tokyo, Red Ribbon, Pizza Hut, Ace Harware, Hypermart at iba pa.
Punong-puno ang parking lot. Secured ang lugar dahil nakakalat ang mga pulis at SWAT, security guards ng mall at mga bomb sniffing dog units.
Hindi pa naman bukas ang kabuuan. Bahagi pa lang. Tinatapos pa kasi ang ilang parte nito.
Sa kabuuan, makikita na ang progreso sa bayan ng Rosales.
At mapapansin mo ding parang napossess ang gumawa ng post na binabasa mo ngayon. Oo nga naman, bakit mukhang napakaseryoso ng pagkakasulat?
Ayon sa ulat sa TV Patrol Baguio, dumadami daw ang nakikitang fetus sa Baguio.
Magtataka ka pa ba naman diyan. Malamig pre. Malamig.
Lalo na’t kakagraduate sa highschool. Tapos napadpad at doon nag-aral ng college. Tapos nursing pa ang kurso. Naku, anlamig pa naman sa mga ospital. Andami pa namang higaan doon.
Naisip ko lang. Puwede sigurong gawing contraceptive ang gamot na naimbento ko. Hehehe. Lalo na sa option 4, sakit:lungkot, kapag walang magawa, imbes na ganoon at kamanyakan ang gawin eh magdikdik na lang ng gumamela para maaliw.
Hmmm. Overall, it’s nice to be back.
Malapit na ang December. Ang lamig na no? Giniginaw ka din bang tulad ko? Hirap gumising sa umaga. Ano kaya ang dahilan kung bakit malamig? Dahil kaya malapit na ang Pasko at December kaya malamig? O dahil kaya sa multong nasa likod mo ngayon na hinahaplos haplos ka kaya malamig?
Kakapagod maging dentista. Asar. Lalo na’t ang pasyente mo eh halos ayaw gumastos. Ang gusto magkawanggawa ka, yung hindi mo pa binibigyan ng presyo tumatawad na. Ang mahirap nito, kung sino pa ang tawad ng tawad eh siya pang reklamador. Ang gusto, perpekto, na kung may nakitang hindi gusto sa serbisyong naibigay sa kanya eh siya pa’ng maninira sa iyo. May presyo ang quality. Maliban na lang kung balak ng dentist na magpakalugi.
Mayroon ding mga pasyenteng mas magaling pa sa dentist. Tuturuan ka bigla.
Ilang siglo na ang nakakaraan. Isa sa itinuro noong nag-aaral pa ako, eh ang uri ng pasyente. Ibig sabihin naprepare na ang utak namin sa kaungguyang susuungin namin balang araw.
Dearest Charo,
Hello. Kumusta sa lahat. Matagal din akong di nakapagpost. Medyo naging busy ako lately. Busy ako sa day job ko. Ang pagiging dentist.
November na. Teka. Malapit na palang matapos ang November. Ayos naman. Malapit na ang Christmas.
Tuwing Christmas sumasaya ako. Wala naman espesyal na dahilan. Masaya lang. Siguro epekto ng kabataan ko. Lagi ko kasi noon hinihintay ang pagdating ni Santa Claus. Friends, bata pa ako noon. Pagpasensyahan niyo na. Ngayon, kasingtanda ko na si “My Friends” John McCain.
Simbang gabi. Hindi uso. Iba-iba ang naging religion ng tatay ko kaya ganoon.
Balik sa kuwento.
Dentist. Mahirap na trabaho. Kung maranasan mo ang trabahong ito, madami kang taong makikilala. Iba-iba. May nakakainis. May nakakatuwa. May nakakaawa. May mga taong tawad ng tawad kahit hindi pa pinipresyuhan.
Pero overall, kahit papaano, oks naman.
O sige. Hanggang dito na lang.
Nagmamahal,
Dudung
Ang recipe sa umagang ito ay Nilagang Hotdog na Manok. Mainam itong iluto habang nakikinig ng kanta ni Mandy Moore. Lalo na’t araw ng Linggo.
Rekado
hotdog
tubig
Direksyon
1. Huwag punasan ang kalan ng isang linggo. Hintaying magkaroon ng tae ng daga ang gilid gilid ng kalan. Ang aroma nito ay makakadagdag ng kaunting lasa sa hotdog na ilalaga.
2. Medyo hugasan ang kaldero.
3. Lagyan ng medyo punong isang tasa ng tubig.
4. Initin ng kaunti. Masdan ang ilang tae ng daga.
5. Initin pa.
6. Kaunti pa.
7. Ilagay ang hotdog na manok.
8. Hintaying umusok. Ibig sabihin malapit na ang tagumpay.
9. Masdan ang usok. Parang ulap di ba?
10. Tusukin ng tinidor at ilagay sa medyo malinis na platito, saka ngumiti.
Please visit the biggest, the brightest, the ultimate recipe website of the most handsome web developer of all time (Ako iyon) : Cooking ng Ina mo
Sad news. Wala na ang bula. Pumutok.
Di bale. May pagkakataon pa namang dadating. Kahit naman ano, mayroong solusyon.
Siguro ito ang panahong dumating kung saan sinusubukan lang kung gaano katatag ng pundasyong aking tinutungtungan.
Kahit papaano mayroon pa namang bagay na puwedeng atrasan. Isang espasyo sa likod na inilaan ko para sa mga panahong ganito.
Sa susunod, sa susunod.
Oo nga pala, may comment akong nadelete. Sorry napansin ko lang noong napindot ko na ang “delete”, may nakapagitan pala sa “Spam messages” na dinelete ko.
Ah. Uh. Ah.
Barok. Ang ika niya. Updates naman kunyari. May bula akong inaalagaan. Kung hindi pumutok ang bula bago December 6, magiging masaya ako. Bula. Alam mo ba ang bula? Ang bula ang sentro ng solar system moving around it are the gumamela leaves.
Kapag nakuha ko sa 5. Ipapakita ko dito ang picture ng sinasabi ko. Siyempre siguro at sana masaya.
Simpleng simpleng bagay. Pero nakakapagpasaya sa akin.
O siya. Magandang araw sa lahat ng nagbabasa nito.
Maraming salamat po sa lahat ng bumati sa akin.
Kakadating ko lang po mula Manila at ngayon lang ako nagbukas ng email, friendster at etc.
Ayos naman po ang lagay ko. At masaya din naman. Masarap din ang kinain namin sa Tokyo Tokyo.
Hanggang dito na lang po ulit. Thanks po.
Nahirapan akong sumakay kahapon. Sa Villasis Pangasinan ko sinubukang sumakay papuntang Manila. Ilang oras akong nakatayo. Lahat ng dumaang sasakyan puno at tayuan.
Dahil sa pagod at inip naisipan kong bukas na magbiyahe. Pauwi na ako sa amin at bigla kong naisip na sa Rosales Pangasinan na lang sumakay.
Ganoon din noong una.
Buti na lang may dumating na Victory. Wala itong sakay at nagdesisyong magbago ng biyahe at maging pa-Manila.
Magrerenew kasi ako ng ID para sa aking propesyon kaya nasa Manila ako ngayon.
Iyon na ang tawag doon. Masarap pero sobrang tamis. Brown, malagkit at kung minsan may kahalong bato.
Walang biro masarap ang kalamay. Lalo na kung libre at bigay lang. Hehehe.
Galing ito sa Ilocos. Norte mula Pangasinan. Binigay ng pinsan kung nagtratrabaho sa Casino.
Alam mo bang pangarap kong magtrabaho sa isang Casino. Kaya nga para sa akin, ang suwerte niya.
Pero siyempre pangarap lang iyon. Madami akong pangarap na di natupad at mga pangarap na hindi na matutupad.
Anyways. Masarap talaga ang kalamay. Ulitin ko pa ba? Masarap talaga ang kalamay. O ayan. Hehehe.
Mga Head Hunter ng Baguio City. Hay Land ng Benguet. Lo' land ng Pangasinan. Big brother ng Tarlac.
Recent Comments