Hayop ba sa pamagat?

Hindi ako makatulog. Paputol-putol talaga ang tulog ko. Pero ngayon hindi ako makatulog ngayon.

Dapat pala isinet ko ang alarm para nagising ako ng 10:30 at naabutan ko pa sana ang laro sa TV.

Kuwento na lang ako.

May isang town dito sa Pangasinan. Hindi Rosales, Pangasinan ha? Iba.

Kinuha ko ang .com version. Tapos ang ika ko sa sarili ko, isusunod ko ang .org. Noong irereg ko na, nakuha na pala ng local government ng town.

Iyon na. Hehehe .org ang nakuha nila. Ano iyon organisasyon? Wala eh, sorry nauna na ako sa .com. Ieextend ko ng 10 years para hindi na maagaw.

Ang domain name nga palang (hindi) nabanggit ay iniredirect ko sa website ng dental clinic namin. Yaiks! Free advertisement.

Naisip ko lang. Dapat pala kinuha ko ang pda.ph noon. Noong panahon ng hapon, karamihan ng domain name available pa. Mataas sana ang presyo kung ibebenta sa ngayon.

Pupunta ako sa Dagupan sa. Kailan nga ba?

Mahirap ang malayo sa kabihasnan. Ito ang pakiramdam ko kung minsan.

Kailangan ko lang namang mareload ng debit card. Ito ang mahirap kung walang credit card.

Isinara ko kasi ang credit card ko noon. Kasi akala ko magiging inactive ako sa online transaction.

Kailan kaya magoopen ang Unionbank dito. Para mas madaling makapagbangko ang tao.

Palala ng palala ang paglalagay ko ng titulo sa mga posts. Pansin ko na din.

Anyways.

Ganito ang kuwento. Kanina sa kapilya, nakayuko kaming lahat. Teka, may kontrabida nga pala kahit saan, hindi nga pala lahat nakayuko pero halos lahat. Siyempre ako naman nakayuko din. Kasi sabi ng pastor, magdasal.

May mga bata sa harap namin. Tapos, nadinig ko sabi ng bata sa katabi niya “Nakatingin yung lalaki sa likod, sa legs mo.” Tapos yung batang sinabihan niya, nagtakip naman ng legs. Putsa, natawa ako.

May multiply account na ako. Wala kasi akong magawa kagabi. Habang inaantok na ako, may nabuksan akong multiply webpage. Nawala ang antok ko tapos nag-open na ako.

Ito ang URL: http://papajesus.multiply.com/

Nagbalik na ako sa dati kong relihiyon. Isa sa rason ko, mas mabuti nang may pinaniniwalaan ka kaysa wala. O iyan, applicable din iyan sa ibang bagay tulad nang sa pag-ibig. Mas mabuti nang may nagmamahal sa iyo kaysa wala. O kaya mas mabuti nang may nagbabasa ng blog mo kaysa wala.

Kagagawan din ng tatay ko, lahat ng relihiyon pinasok niya. Siyempre nadamay kaming mga anak niya. Kaya naging magulo ang paniniwala ko.

Kaya ito ang tandaan mo masugid kong mambabasa: Una. Sana dumami ka na. Kahit maging dalawa ang mambabasa ko, oks na para sa akin. Pangalawa. Kung magkapamilya ka na at gusto mo ng mga anak na stable ang buhay, ugali, moral at iba pa dapat unahin mong i-stabilize ang utak mo.

Magulo ba? Kung magulo, inom ka lang ng Slenda o Arthro o iyong naimbento kong gamot, sigurado magiging maayos ang lahat.

Malapit na ang birthday ko. Regaluhan mo naman ako, pakiemail ang kiss kasama ang yakap sa akin. Okay na din pala kung gawa sa leather ang ireregalo mo. Balat. Balat. Balat. Yung tunay, bawal ang peke. Isusuplong kita kay Alicia Meyers kung fake na leather.

Masaya sana ang ikukuwento ko ngayon kaya lang hindi pa rin ako inspired. Siguro next week ko na maikukuwento.

Paunawa: Ang inspirasyon sa post na ito ay ang Forty Days and Forty Nights.

Ang ika ng Nephrologist sa NKTI: Bawal ho ang kahit anong uri ng herbal. Huwag po muna kayong iinom ng Herbal Medicine.

Ang ika naman ng tatay ko: Ba! Mas magaling pa ba ang lintek na espesyalista na iyan kaysa sa Pinuno naming mga Espiritista? Alam mo bang iyang Herbal na iyan ang nakagamot sa tatay ng istambay na asawa ng labanderang kapitbahay ng lasenggo na asawa ng Pinuno naming mga Espiritista?

Ang dagdag pa ng tatay ko: Aprubado pa iyan ng Provincial Health Administrator ng La Union! (Hindi ko alam kung seryoso siya dito. Sinong doctor na matino ang magsasabing mas epektibo ang herbal at dapat siyang sundin, kaysa sa sinabi ng isang espesyalista na nasa NKTI na siyang Sentro ng tungkol sa sakit sa Kidney?)

Ang naisip ko naman: Kung ang Tatay kong Enhinyero ay nakakapagdecide ng hiyang na gamot para sa lahat ng uri ng sakit, paano kaya ang pagtanggap ng mga tao sa naimbento kong gamot? Kung ang opinyon ng Pinuno ng mga Espiritista ay iginagalang, igagalang din kaya ang aking opinyon at may mapaniwala kaya ako? Kung ang pagapruba Provincial Health Administrator ng La Union ay mas mahalaga kumpara sa pagbabawal ng espesyalistang taga-National Kidney Transplant Institute, ano nga kaya’t ibulgar ko na ang milagrosong gamot na naimbento ko?

Tama. Timing pa sa pagsali ko sa Sikatchupoy si BURAOT Contest. Ito ang tamang oras.  Ito na ang gamot na makakapagbago sa buhay ng lahat ng makakabasa nito:

Sakit / Preparasyon ng Gamot

Sakit: Madalas na Pagmumuta
Preparasyon ng Gamot:
1. Maghanap ng batong makinis.
2. Magdikdik ng dahon ng gumamela. Magdikdik sa sementadong parte ng bahay. Puwede sa sala.
3. Mag-igib ng tubig sa balon. Ihalo ito sa dinikdik na dahon ng gumamela.
4. Ipunin ang katas gamit ang tansan ng Pop Cola.
5. Ilagay ito sa botelya ng Listerine.
6. Gumamit ng dropper at patakan ang mata ng tatlong beses.
7. Siguradong luluha ang mga matang napatakan at mawawala ang pormasyon ng muta sa mata.
8. Pawiin naman ang luha sa pamamagitan ng pagbisita sa anak ni kulapo .

Sakit: Lagnat
Preparasyon ng Gamot:
1. Maghanap ng batong magaspang.
2. Magdikdik ng dahon ng gumamela. Dikdikin ng pino. Huwag namang sobrahan, dapat mapanatili ang istruktura at hugis dahon nito.
3. Haluan ng dahon ng sibuyas. Dikdikin pa.
4. Sige lang dikdik lang ng dikdik.
5. Kapag nagsawa na, itapal ang dinikdik na dahon ng gumamela at sibuyas sa noo ng taong nilalagnat.

Sakit: Sipon
Preparasyon ng Gamot:
1. Gamitin ang nahanap na batong makinis sa sakit number 1.
2. Magdikdik ng dahon ng gumamela. Ihalo ang bulaklak ng gumamela.
3. Dilaan ang bato. Dikdik. Dilaan ulit ang bato. Dikdik.
4. Initin ang kawali.  Puwede sa kaserola kung walang kawali.
5. Initin, kaunti pa.
6. Ilagay ang dinikdik na dahon at bulaklak ng gumamela.
7. Hintaying umusok. Masdan ang usok saka singhutin.
8. Ah. Nasa alapaap ka na.

Sakit: Lungkot
Preparasyon ng Gamot:
1. Gamitin ang nahanap na batong magaspang sa sakit number 2.
2. Magdikdik ng dahon ng gumamela. Piliin ang mga dahong kasinglapad ng palad ng lolo mo.
3. Maghanap ng lata ng sardinas sa likod bahay. Ilagay dito ang dinikdik na Dahon ng Gumamela.
4. Kuhanin ang natirang Tide Ultra ng labandera. Silipan ang labandera kung hindi pa siya tapos maglaba.
5. Ihalo ang Tide Ultra sa nadikdik na dahon ng gumamela. Suminok sinok, higupin ang sipon mula ilong papuntang bibig at ibuga sa lata. Haluan ito ng tubig mula sa balon, kung wala kayong balon puwedeng alternatib ang tubig mula sa poso.
6. Haluin.
7. Sige halo pa.
8. Halo lang. Malapit na ang tagumpay.
9. Pumutol ng kaunting alambre mula sa sampayan sa tabi ng bahay malapit sa garahe. Bilugin ang alambre sa gitna, at ipulupot at gawing handle ang magkabilang dulo.
10. Isawsaw ito sa malaput lapot na likidong bunga ng sipag at tiyaga mo.
11. Hipan.
12. Ah. Ang sarap pagmasdan ng bula. Masaya at siguradong wala na ang lungkot na nadarama mo kanina.

Twelve Am ngayon at nandito ako sa Manila. Pauwi na ako bukas.

Siya nga pala. Hindi authorized dealer ng sony ericsson ang Tiong San Mall sa Baguio. Walang warranty ang nabili kong phone.

Halos lahat ng nadatnan naming nagpapagawa ng cellphone sa Sony eh k850i ang phone ang pinapagawa. Ganoon, defective ang modelo nilang ito. Pero kahit sira o defective ang pagkakagawa nila kailangan pa ring magbayad dahil wala daw warranty. Kahit genuine Sony Ericsson, kahit sa pagkakagawa sa pabrika ang may mali.

Sa service center naman nila, iisang employee nila ang tumatanggap o nagtratrabaho. Sa pagkakabilang ko, 7 ang tauhan ng SE doon, pero 1 employee lang ang nagtratrabaho. Nabilang ko ang tauhan nila, dahil labas sila ng labas mukhang naliliwaliw sa mall.

Oks pala ang magtrabaho doon. Binabayaran sila ng employer nila para lang magliwaliw.

Tungkol sa Dedicated Server

18 Oct 2008 In: Internet, maydedeakopare.com

Hindi biro ang magmintina ng isang server.

Sa buhay ng isang webmaster, dumadaan tayo sa: 1. free hosting 2. paid shared hosting (kadalasan cpanel) 3. VPS – virtual dedicated server 4. Dedicated server

Kapag nasa una at pangalawang stage ka pa lang, hindi mo mararamdaman ang threat ng mga hacker. Hindi mo mapapansin dahil ang host mo mismo ang gumagalaw para maging safe ang server kung saan nakastore ang website mo.

Kapag narating mo na ang pangatlo at pang-apat na stage, malalaman mo na ang hirap at kadelikaduhan ng pagkakaroon ng isang malaki at disenteng website. Malalaman mo na sa araw-araw pala, laging iniiscan ng mga hacker ang server ng bawat website sa internet. Lagi silang naghahanap ng vulnerability upang masakop at makontrol ang computer na gamit mo bilang server.

Kahit isang error lang puwedeng lumaki. Lumang php, lumang mysql, lumang apache, madaling hulaang password, bukas na ports, maling konpigurasyon ng dns, email na nagloloko at iba pa. Kahit cron jobs na maling konpigurasyon ay may malaking epekto sa isang server.

Kapag nasa unang stage ka pa lang. Ok ka pa. Pero darating din ang panahon at makakarating ka sa pang-apat. At kung may balak kang makarating dito, kailangan mo nang maghanda sa pamamagitan ng pagbabasa at pag-aaral. At siyempre kailangan mong uminom ng herbal medicine tulad Sambong Capsule, Arthro, Diabet at Slenda upang maging malusog ang iyong utak at maabsorb ang kaalamang iyong gustong higupin.

Akala ko madali lang kumuha ng ID’ng ganoon. Mahirap din pala. Madami ding kalokohang hinahanap.

Barangay clearance daw. Tapos, cedula. Magagamit ko dito yung cedula na binayaran ko sa pagbayad ng Tax. Istorbo itong tungkol sa barangay clearance. Kapag nakita ako ng Barangay Chairman sigurado magpapalibre siya. Mahirap talaga kapag pabor pabor. Nahihirapan pa naman akong humindi.

Naisip ko lang naman kumuha ng isa pang ID dahil itong SSS dito sa amin sa Pangasinan, isang taon nang hindi nagrerelease ng ID.

Ano nga ba ang nangyayari sa SSS?

Sa totoo lang akala ko madali lang. Nakukuha ko kadalasan ang kailangan ko dahil tagadito ako.

Ayaw ko namang magcall-a-friend hangga’t maaari. Iyon nga, sigurado papalitan ko din balang araw.

Hindi ko na lang mamadyikin. Lalakarin ko na lang siguro. Tiyaga-tiyaga na lang.

Banco de Oro vs BPI

10 Oct 2008 In: Mariang Palad at Sarili, Pamilya, Relasyon

Tungkol sa nakaraang post.

Alam mo ba ang pinagkakakitaan ng mga tao ngayon sa internet? Yung paggawa ng review ng isang websayt o produkto, tapos babayaran sila ng may-ari ng websayt na nagpagawa ng review. Iyon nga lang dapat nakasulat sa english.

Wala kang gagawin kundi uulit-ulitin ang salita na gustong makita ng nagbayad ng review mo. Purihin mo ng purihin, ulitin mo ng ulitin ang paglink sa websayt nila hanggang mamatay sila sa tawa.

Gaano kakorni ang review kung nakasulat sa tagalog?

Iyong nakaraang post ko, sinubukan kong gumawa ng tagalog bersyon ng review. Basahin mo at sigurado mangingilo ang ngipin mo kung gaano kakorni ang isang review.

Siya nga pala. Totoo lahat ang sinabi ko sa post na iyan, ha? Hindi pa rin ako makapagtext kasi sa bawat pagtipa ko ng letra eh biglang sinisend ng cellphone ko. Lalo pang lumala dahil kahit numero ng ng nagtext sa akin, ayaw nang ipakita.

Oo nga pala. Maraming salamat sa BPI. Nakapag-open ako ng ATM para sa kapatid ko. Kasi iyong Banco De Oro, sinara ang ATM niya. Tapos walang patawad ang BDO, kahit nagmakaawa na ang nanay ko. Putsa, para sa BDO, kung close ang account, close. Walang preferred client sa kanila. Mag-open na lang daw ng bagong ATM. Ang sabi sa telepono, punta na lang daw ako doon para mag-open.

Punta naman ako. Sakto ang lakas ng ulan. Pagdating ko sa BDO, hinanapan ako ng xerox ng mga ID. Hindi sinabi sa akin ng nakausap ko sa telepono ang tungkol dito. Ang ika sa akin, PUNTA NA LANG DAW AKO DOON. Dala ko naman lahat ng ID. Iyon na malakas nga ang ulan, wala akong payong. Sa gitna pa naman ng kawalan ang bangkong iyon, walang malapit na xerox machine.

Labas ako. At siyempre nabasa ako. AYOS!

Malapit ang BPI doon. “Puta”, ang sabi ko, “sa BPI na lang”. Buti ang mga tao sa BPI, may patawad.

Hiningan lang ako ng isang picture, iyon lang. Kilala nila ako. Ang cute ko daw kasi kaya hindi nila ako makalimutan.

PREFERRED CLIENT. PREFFERED.

Kumbaga may bangka ka, ang taas ng tubig – lampas bundok. Sino ang una mong ililigtas, ang GF mo ba o ang magbobote?

Halimbawa ulit, humingi ng kiss ang GF mo at ang isang tindera ng isda, sino ang pagbibigyan mo?

O siya siya. May ATM na ulit na magagamit ang kapatid ko.

Tagumpay!

Tagumpay ako, dahil sa sikap at tiyaga, na natutunan ko sa patalastas ni Manny Villar. At sa tulong na din ng mga tindera sa patalastas ni Mar Roxas. At dahil na rin sa inspirasyon ng pabahay ni Noli de Castro. Ramdam ko ang pag-unlad dahil kay Gloria Macapagal Arroyo at Carlos Arroyo ng Orlando Magic.

Binili ko ang cellphone kong Sony Ericsson K850i nitong February 2008. Bandang katapusan ng September nasira.

Ang cellfone kong Sony Ericsson K850 ay binili ko dahil sa camera nito. Iyon lang ang pinakamatimbang na dahilan. Ayon sa experience sa paggamit nito, wala nang ibang feature ang Sony Ericsson K850i na may kuwenta.

Keypad malfunction ang madalas na sira ng Sony Ericsson K850i .

May tatlong button ang Sony Ericsson K850i na sensor or touch. Sa tingin ko itong mga button na ito ang dahilan ng malfunction ng Sony Ericsson K850 . Tatlo lang dapat ang touch, pero itong cellphone kong Sony Ericsson K850i ngayon ay touchscreen na sa lahat ng side. Kahit saang side mo hawakan, laging mapipindot ang gitnang button ng touch button malapit sa screen.

Wala ding kuwenta ang Contact section ng Sony Ericsson website. Ayaw magload. At kapag inemail mo sila sa pamamagitan ng contact form ng Sony Ericsson website, wala kang matatanggap na reply mula sa kanila.

Nagbasa-basa na ako sa iba’t-ibang website, tungkol sa keypad malfunction ng k850i . Base sa mga nabasa ko, madaling masira ang Sony Ericsson K850 .

Madaling madumihan ang Sony Ericsson K850 . Ang keypad ng Sony Ericsson K850 ay very sensitive. Madaling masira ang Sony Ericsson K850i . Isa ito sa pinakamahinang klase ng pagkakagawa sa hanay ng mga modelo ng Sony Ericsson.

Kakaiba 'to, Pre

Mga Head Hunter ng Baguio City. Hay Land ng Benguet. Lo' land ng Pangasinan. Big brother ng Tarlac.


Pages