Dakkel, dakkel naman | Philippines
Twelve Am ngayon at nandito ako sa Manila. Pauwi na ako bukas.
Siya nga pala. Hindi authorized dealer ng sony ericsson ang Tiong San Mall sa Baguio. Walang warranty ang nabili kong phone.
Halos lahat ng nadatnan naming nagpapagawa ng cellphone sa Sony eh k850i ang phone ang pinapagawa. Ganoon, defective ang modelo nilang ito. Pero kahit sira o defective ang pagkakagawa nila kailangan pa ring magbayad dahil wala daw warranty. Kahit genuine Sony Ericsson, kahit sa pagkakagawa sa pabrika ang may mali.
Sa service center naman nila, iisang employee nila ang tumatanggap o nagtratrabaho. Sa pagkakabilang ko, 7 ang tauhan ng SE doon, pero 1 employee lang ang nagtratrabaho. Nabilang ko ang tauhan nila, dahil labas sila ng labas mukhang naliliwaliw sa mall.
Oks pala ang magtrabaho doon. Binabayaran sila ng employer nila para lang magliwaliw.
Hindi biro ang magmintina ng isang server.
Sa buhay ng isang webmaster, dumadaan tayo sa: 1. free hosting 2. paid shared hosting (kadalasan cpanel) 3. VPS – virtual dedicated server 4. Dedicated server
Kapag nasa una at pangalawang stage ka pa lang, hindi mo mararamdaman ang threat ng mga hacker. Hindi mo mapapansin dahil ang host mo mismo ang gumagalaw para maging safe ang server kung saan nakastore ang website mo.
Kapag narating mo na ang pangatlo at pang-apat na stage, malalaman mo na ang hirap at kadelikaduhan ng pagkakaroon ng isang malaki at disenteng website. Malalaman mo na sa araw-araw pala, laging iniiscan ng mga hacker ang server ng bawat website sa internet. Lagi silang naghahanap ng vulnerability upang masakop at makontrol ang computer na gamit mo bilang server.
Kahit isang error lang puwedeng lumaki. Lumang php, lumang mysql, lumang apache, madaling hulaang password, bukas na ports, maling konpigurasyon ng dns, email na nagloloko at iba pa. Kahit cron jobs na maling konpigurasyon ay may malaking epekto sa isang server.
Kapag nasa unang stage ka pa lang. Ok ka pa. Pero darating din ang panahon at makakarating ka sa pang-apat. At kung may balak kang makarating dito, kailangan mo nang maghanda sa pamamagitan ng pagbabasa at pag-aaral. At siyempre kailangan mong uminom ng herbal medicine tulad Sambong Capsule, Arthro, Diabet at Slenda upang maging malusog ang iyong utak at maabsorb ang kaalamang iyong gustong higupin.
Akala ko madali lang kumuha ng ID’ng ganoon. Mahirap din pala. Madami ding kalokohang hinahanap.
Barangay clearance daw. Tapos, cedula. Magagamit ko dito yung cedula na binayaran ko sa pagbayad ng Tax. Istorbo itong tungkol sa barangay clearance. Kapag nakita ako ng Barangay Chairman sigurado magpapalibre siya. Mahirap talaga kapag pabor pabor. Nahihirapan pa naman akong humindi.
Naisip ko lang naman kumuha ng isa pang ID dahil itong SSS dito sa amin sa Pangasinan, isang taon nang hindi nagrerelease ng ID.
Ano nga ba ang nangyayari sa SSS?
Sa totoo lang akala ko madali lang. Nakukuha ko kadalasan ang kailangan ko dahil tagadito ako.
Ayaw ko namang magcall-a-friend hangga’t maaari. Iyon nga, sigurado papalitan ko din balang araw.
Hindi ko na lang mamadyikin. Lalakarin ko na lang siguro. Tiyaga-tiyaga na lang.
Tungkol sa nakaraang post.
Alam mo ba ang pinagkakakitaan ng mga tao ngayon sa internet? Yung paggawa ng review ng isang websayt o produkto, tapos babayaran sila ng may-ari ng websayt na nagpagawa ng review. Iyon nga lang dapat nakasulat sa english.
Wala kang gagawin kundi uulit-ulitin ang salita na gustong makita ng nagbayad ng review mo. Purihin mo ng purihin, ulitin mo ng ulitin ang paglink sa websayt nila hanggang mamatay sila sa tawa.
Gaano kakorni ang review kung nakasulat sa tagalog?
Iyong nakaraang post ko, sinubukan kong gumawa ng tagalog bersyon ng review. Basahin mo at sigurado mangingilo ang ngipin mo kung gaano kakorni ang isang review.
Siya nga pala. Totoo lahat ang sinabi ko sa post na iyan, ha? Hindi pa rin ako makapagtext kasi sa bawat pagtipa ko ng letra eh biglang sinisend ng cellphone ko. Lalo pang lumala dahil kahit numero ng ng nagtext sa akin, ayaw nang ipakita.
Oo nga pala. Maraming salamat sa BPI. Nakapag-open ako ng ATM para sa kapatid ko. Kasi iyong Banco De Oro, sinara ang ATM niya. Tapos walang patawad ang BDO, kahit nagmakaawa na ang nanay ko. Putsa, para sa BDO, kung close ang account, close. Walang preferred client sa kanila. Mag-open na lang daw ng bagong ATM. Ang sabi sa telepono, punta na lang daw ako doon para mag-open.
Punta naman ako. Sakto ang lakas ng ulan. Pagdating ko sa BDO, hinanapan ako ng xerox ng mga ID. Hindi sinabi sa akin ng nakausap ko sa telepono ang tungkol dito. Ang ika sa akin, PUNTA NA LANG DAW AKO DOON. Dala ko naman lahat ng ID. Iyon na malakas nga ang ulan, wala akong payong. Sa gitna pa naman ng kawalan ang bangkong iyon, walang malapit na xerox machine.
Labas ako. At siyempre nabasa ako. AYOS!
Malapit ang BPI doon. “Puta”, ang sabi ko, “sa BPI na lang”. Buti ang mga tao sa BPI, may patawad.
Hiningan lang ako ng isang picture, iyon lang. Kilala nila ako. Ang cute ko daw kasi kaya hindi nila ako makalimutan.
PREFERRED CLIENT. PREFFERED.
Kumbaga may bangka ka, ang taas ng tubig – lampas bundok. Sino ang una mong ililigtas, ang GF mo ba o ang magbobote?
Halimbawa ulit, humingi ng kiss ang GF mo at ang isang tindera ng isda, sino ang pagbibigyan mo?
O siya siya. May ATM na ulit na magagamit ang kapatid ko.
Tagumpay!
Tagumpay ako, dahil sa sikap at tiyaga, na natutunan ko sa patalastas ni Manny Villar. At sa tulong na din ng mga tindera sa patalastas ni Mar Roxas. At dahil na rin sa inspirasyon ng pabahay ni Noli de Castro. Ramdam ko ang pag-unlad dahil kay Gloria Macapagal Arroyo at Carlos Arroyo ng Orlando Magic.
Binili ko ang cellphone kong Sony Ericsson K850i nitong February 2008. Bandang katapusan ng September nasira.
Ang cellfone kong Sony Ericsson K850 ay binili ko dahil sa camera nito. Iyon lang ang pinakamatimbang na dahilan. Ayon sa experience sa paggamit nito, wala nang ibang feature ang Sony Ericsson K850i na may kuwenta.
Keypad malfunction ang madalas na sira ng Sony Ericsson K850i .
May tatlong button ang Sony Ericsson K850i na sensor or touch. Sa tingin ko itong mga button na ito ang dahilan ng malfunction ng Sony Ericsson K850 . Tatlo lang dapat ang touch, pero itong cellphone kong Sony Ericsson K850i ngayon ay touchscreen na sa lahat ng side. Kahit saang side mo hawakan, laging mapipindot ang gitnang button ng touch button malapit sa screen.
Wala ding kuwenta ang Contact section ng Sony Ericsson website. Ayaw magload. At kapag inemail mo sila sa pamamagitan ng contact form ng Sony Ericsson website, wala kang matatanggap na reply mula sa kanila.
Nagbasa-basa na ako sa iba’t-ibang website, tungkol sa keypad malfunction ng k850i . Base sa mga nabasa ko, madaling masira ang Sony Ericsson K850 .
Madaling madumihan ang Sony Ericsson K850 . Ang keypad ng Sony Ericsson K850 ay very sensitive. Madaling masira ang Sony Ericsson K850i . Isa ito sa pinakamahinang klase ng pagkakagawa sa hanay ng mga modelo ng Sony Ericsson.
Nakita ko ito sa isang blog.
http://www.youtube.com/experiencewii
Magaling ang pagkakagawa. Ayus na ayos ang mga effect ng video. Wario Land: Shake It ang titulo ng larong pinupromote nito.
Sabog sabog ang screen sa dulo. Hehehe!
Madami daw ang kumuha ng exam para sa september 2008 teacher board exam. Isa hanggang tatlong linggo bago lumitaw ang resulta nito.
Wala akong maisip na title. Nagsisimatayan ang brain cells ko. Kahit nga ang pagbibigti ko kagabi nalimutan ko.
Noong 2000, noong medyo bata pa ako. Laking tuwa ko noong mabasa ko ang website ko sa pahina ng THE WEB Philippines. Tumayo ang lahat ng balahibo ko. Nabasa ko una sa magazine sa Unibersidad. Pagkabasa ko, bumili ako noong hapon ng araw na iyon, ng kopya sa National Book Store sa Recto, Manila.
Oks ang review nila. Hehehe. Nadyaryo ako este namagazine pala. Wala eh, talent ba? Hindi, sa tingin ko, wala lang silang mapagpilian dahil kaunti pa lang ang websites noon na gawa ng Pinoy. Mali-mali pa nga ang english ko sa website ko noon (hanggang ngayon kaya Filipino ang lengguwahe ng maydede, hehe!).
Isang magandang alaala.
Iyan lang ang kuwento sa araw na ito.
Siya nga pala. Hindi pa ito ang kuwentong nabanggit ko noong nakaraang post. Hindi ko pa natapos ang pagtatayp.
Life is good, sabi ko. Sana magtuloy-tuloy, dagdag ko. Sa lotto naman sana ako suwertihin sa susunod, ang hirit ko pa.
Ano iyan? Komposisyon ng nobela? Malamang.
Kailangan kong maginstall ng anti-spam sa blog na ito. Sobrang dami ng spam ang natatanggap ng website na ito – lampas isa.
Ang sarap paslangin ng mga spammer. Magpopost ng comment na puro links patungo sa website na puno ng virus, trojan at keylogger. Iyong iba naman mga link sa pharmacy sites. Para silang mga manok na walang ulo, post ng post ng spam kahit nakita na nilang moderated ang comments.
Okay. Hanggang dito na lang. Next time may ikikuwento ako. Kailangan ko lang ng kaunting inspirasyon para matapos ko ang pagtatayp ng ikikuwento ko.
Kakagaling lang namin sa NKTI. Nagkasakit kasi ang isa sa mga mahal ko sa buhay.
Naisip ko lang ito habang nakasakay kami sa taxi. Siyempre uunahin ko nang sabihing maka-Marcos at Ramos ako.
Read the rest of this entry »
Namiss ko magblog. Hehehe! Nakabalik na ako. Sana lang tumagal itong pagkakaayos ng computer ko.
Philippines Registered Electrical Engineer Licensure Examination Results September 2008 also known as Registered Electrical Engineer Board Examination Results September 2008 is now posted at boardexamresultsph.com. It was held on September 2008 in Manila, Baguio, Cebu, Davao, Iloilo, Legaspi and Zamboanga.
Mga Head Hunter ng Baguio City. Hay Land ng Benguet. Lo' land ng Pangasinan. Big brother ng Tarlac.
Recent Comments